Maraming dahilan kung bakit nangangabit ang ating mga mister, minsan sinisisi pa ang mga ina ng tahanan kung bakit nila ginagawa iyon. Pero ito naman ang sagot ng mga kababaihan.
1. Nakukulangan daw sa Asawa.
(In terms of pag-aalaga, paglalambing, pagkalinga at sa kama.)
Buong araw nagtatrabaho o pinagtrabaho mo yung asawa mo. Naglaba, nagluto, naglinis, nag-alaga ng mga bata, tapos ine-expect mo na makakaya ka pa niyang alagaan ng fulltime. Pabebe si hubby.
2. NAGGER at bungangera ang Asawa.
Uuwi kulang ang sweldo, amoy alak, amoy yosi. Daming time sa bisyo at barkada, sa pamilya WALA. Pagdating sa bahay, uupo si hubby, nood t.v, patimpla ng kape, magpapahanda ng pagkain. Ano kaya ang ine-expect ng mga lalake magdadasal tayo pag nakita sila. Kapag pinagsabihan mo naman mas galit pa sayo.
3. Nasisilaw sa ganda ng isang babae.
Nung nililigawan ka pa lang ikaw ang pinakamaganda, nung ginawa mong katulong at inanakan mo, aba nag-iba na. Bakit kaya mga Sir?
4. Mapusok at nai-influence ng barkada.
Kung sa bahay ka lang at tumutulong kay misis tuwing may time ka, hindi mo mame-meet ang mga barkadang bad influence.
5. LOSYANG NA SI MISIS.
Kung sana tini-treat mo sa Parlor Asawa mo kesa ibili mo ng alak at yosi mo, edi sana MAGANDA pa din siya. Remember, nawawalan na siya ng time sa sarili niya dahil sa pag-aasikaso sa pamilya niyo at bahay niyo! Sabayan pa ng sobrang stress dahil sayo. Sinong hindi papanget at malo-losyang?