Alam ko hindi madali yang pinagdadaanan mo kasi parehas tayo ng pinagdadaanan, oo masakit, halos di ka na makahinga, hindi maubos-ubos yung luha mo. Wala kang makausap kasi nahihiya ka na sa kanila na baka pagod na sila makinig sa kadramahan mo kaya kikimkimin mo nalang sasarilihin mo na lang.
Hindi ka makakilos, wala kang ganang kumain, wala ka nang gana sa buhay mo, di kana makangiti, makatawa, makapagisip ng maayos dahil sarado ang utak mo ang lagi mo nalang iniisip yung nangyati sayo, sa kanya sa inyong dalawa. Nawalan ka ng direksyon sa buhay at wala ka nang ibang inisip kundi siya, siya, at siya. Pinipilit mong binabalikan yung panahong masaya pa kayo hanggang mapapaiyak ka na naman kasi maaalala mo kung paano ka niya iniwan, kung paano siya napagod at nagsawa sayo, kung paano ka niya binitiwan at sinabung hindi kana mahal.
Pero hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod umasang magkabalikan pa kayo sa lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sayo? Hindi kaba naaawa sa sarili mo sa kakapilit sa taong hindi naka mahal? Alam mo yan kasi sa bibig niya mismo nanggaling lahat ng yun. Hindi mo ba naiisip na nagmumukha ka ng tanga kakahabol sa lalaking never kang hinabol at after two weeks may nakita kang post sa facebook na may kadate sya sa lugar kung saan kayo dati nakain? Alam mong babae kasi pangbabae ang lugar at frappe ang drinks?
Hindi ka ba nasasaktan sa nangyayari sayo wala na sya pero pinapatay ka parin nya hanggang ngayon o sobrang manhid na ba yung puso mo sa nangyayari? Hindi mo ba napapansin na marami ng naaapektuhan kung paano mo kinukulong yung sarili mo sa pangyayaring ito masyado mong dinaramdam at nakikita nilang onti-onti kang nauupos? Hindi ka ba nagaalala sa magulang mo, sa mga tita mo, sa kapatid mo, sa mga kaibigan mong sobrang apektado dahil sayo. Dahil ngayon ka lang nila nakitang nagkaganito sa edad mong 23? Hindi ka pa ba natatauhan sa sinabi ng tatay mo na hindi ka ganyan na alam niya mismo na matatag kang tao na sobrang bilib siya sayo at ikaw lang ang natatakbuhan nya tuwing may problema sya pero anung nangyayari sayo ngayon bakit ka naging ganito kahina?
Alam ko sobrang hirap ng pinagdadaanan mo tulad ko pero alam ko kakayanin natin ito sabay tayong magmomove-on. Tutulungan natin ang isa't-isa para makalimutan yung naging buhay natin noon na ngayong pilit sinisira at pinapatay ang masaya mong mundo. Lagi mong tatandaan na hindi ka nya talaga mahal kasi hindi dahilan na pagod na sya para iwanan ka. Iniwanan ka na lang ng biglaan at ikaw ang sinisisi sa lahat ng nangyayari. Alam ko kaya mo yan darating din ang para sayo, ang para sakin, magdasal lang tayo at ibibigay ng diyos ang mas makakabuti para satin.
Tama na ang iyak ate girl nilayo ka ni God sa taong sa tingin niya di makabubuti para sayo at may darating na mas better pa sa kanya. Kasi sya yung worst hahahhahaha just kidding. Yung kakayanin nyo lahat ng problema, masaya kayo parehas, kaya niyong intindihin ang isa't -isa, bibigyan ka ng oras at panahon, mamahalin ka ng buong buo, rerespetuhin ka at hinding hindi ka bibitiwan ng ganun ganun na lang. Kaya mo yan ate girl. Kaya ko ito kaya natin ito parehas. Pero sa ngayon hayaan mo na lang muna maghilom ang puso mo at mahalin mo ulit yung sarili mo para pag dumating na yung pinaka gift sayo ni God ready kana. I loveyou ate girl
-Girl who can be moved