1. Kapag may good news tungkol sa iyo, magpapakita ito na natutuwa siya para sa iyo pero pasimpleng umiikot ang mata. Hindi mo iyon mahahalata. Ang makakapansin ay mga taong nakapaligid sa inyo.
2. Mamaliitin niya ang iyong achievement. Halimbawa, bibiruin ka, “Crush ka ni Sir kaya ka na-promote”.
3. Habang ini-enjoy mo ang iyong success, bigla niyang isisingit sa usapan ang kanyang achievement. May tono pa ito na parang ipinamumukha sa iyo na small time lang ang sa iyo, kumpara sa success niya.
4. Sinasadya niyang bigyan ka ng bad advice para akayin ka tungo sa kabiguan.
5. Ginagaya ka niya sa lahat ng bagay mula sa pananamit hanggang paraan mo kung paano mo diskartehan ang iyong trabaho, in case, officemate mo siya. Gagayahin din niya ang hobbies mo.
6. Lagi siyang nakikipagpaligsahan sa iyo.
7. Pupunahin niya ang iyong kamalian sa paraang mawawalan ka ng tiwala sa iyong sarili.
8. Kapag pumalpak ka sa trabaho at napagalitan ni Sir, halatang-halata na maganda ang mood niya. Ipinagdiriwang niya ang kabiguan mo.
9. Pero ‘nawawala’ siya sa eksena kapag ikaw naman ang nagdiriwang ng iyong tagumpay.
10. Nabibisto mo na sinisiraan ka niya sa ibang tao.
11. Hinihiya ka niya sa ibang tao.
12. May panahong hindi ka niya iniimbita sa party o gimik na siya ang nagpasimula.
13. Nadadama mo na lagi siyang inis sa iyo nang walang dahilan.