10 Tips Para Hindi Ka Ipagpalit Sa Iba

Madaming dahilan kung bakit tayo ipinagpapalit ng ating mga kapareha. At hindi sa lahat ng oras sila ang mali, minsan nasa atin din kung bakit nila tayo iniiwan. Minsan fed up na sila sa toxic na relasyon kaya nila nagagawa yun.



Para manatiling masaya at matatag ang isang relasyon narito ang ilang tips.

1. Wag kang epal

Oo magjowa kayo pero meron pa rin kayong kanyang kanyang buhay outside your relationship. Hayaan mo sya minsan sa mga gusto nya.

2. Wag kang armalite

Tao ka teh hindi ka baril para mag-ratatat ka ng mag-ratatat. Kahit sino lalayas kung maya't maya bunganga ka ng bunganga. Kung may ginawang mali kausapin mo ng maayos at mahinahon.


3. Act as tropa

Yung kahit kayo na pero parang tropa lang ang turingan, aminin natin kaya minsan mas pinipili nila yung tropa nila over satin kasi ang toxic natin kasama. Puro kadramahan tayo, eh pag tropa lang chill lang. Pwede naman magseryoso ng hindi nakakaboring eh.

4. Wag kang puro palibre

Kung magjowa pa lang kayo try mo magshare paglalabas kayo, hindi porket sya lalaki sa kanya na lahat ng gastos. Tao yan hindi ATM. May mga responsibilidad din yan sa pamilya nya.

5. Be clingy pero wag OA

Ok din minsan yung iparamdam natin sa kanila na sila ang mundo natin tuwang tuwa sila dyan syiempre lakas makapogi eh. Pero wag naman OA yung tipong 1 second pa lang di nakakareply may palong break-up message ka na agad with "sorry and thank you sa lahat" sa huli. Muka kang tanga promise.

6. Be positive

Kung may mga issue sya sa buhay nya, like problema sa family, sa work, sa studies, wag mo nang gatungan. Wag ka nang dumagdag sa problema dahil ang kailangan nya is someone who will listen. Iparamdam mo lagi sa kanya na magiging ok din ang lahat. Na adyan ka lang palagi para sa kanya. Suportahan mo siya sa mga panahong down na down siya. Suportahan mo ang mga pangarap nya.

7. Isipin mo sya ung pinakagwapo sa mundo

Kahit hindi naman talaga, iparamdam mo lagi na kahit mukha syang nilamutak na tissue, sa paningin mo mala Gerald Anderson pa din datingan nya. Nakakaboost ng self esteem yan eh. Ipakita mong proud na proud ka sa kanya. Wag na wag mo siyang ikakahiya.

8. Be matured enough

Wala sa edad ang pagiging matured, nasa ugali yan. Wag kang papasok sa relasyon kung isip bata ka pa kasi promise weeksary lang aabutin nyo. Being matured means yung once nag away kau imbes na maghiwalay, aayusin nyo muna. You'll try to make your relationship work out. Iintindihun ang differences ng isa't isa. At hindi magpapacomfort sa iba.

9. Wag kang uto uto, assumera, advance mag isip

Yung may sabihin lang tropa mo na bad side ng jowa mo agad agad aawayin mo si jowa. May nakita ka lang request message G na G ka na. May pinusuan lang makaiyak ka kala mo pinagpalit ka na. Confirm mo muna bago ka umiyak sayang sipon beh.


10. Wag pabayaan ang hygiene at katawan

Hindi porket mahal ka nyan at tanggap ka nyan kung sino ka pa eh hindi ka na maliligo lalo tag ulan. Ayusin mo itsura mo bes, hindi laging pag mabuti ang kalooban ok na. Minsan dapat malinis din sa katawan at wag pababayaan ang sarili. Wag magpapalosyang.

Tips lang yan ha, nasa inyo pa din dalawa kung papaano magtatagal relasyon nyo.

-Submitted by Andeng Aryen

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW