Isang lola, nagtitinda pa rin sa Divisoria sa gitna ng banta ng C0VID-19, nagpadurog sa puso ng mga netizens


Ilan sa mga negosyo at hanapbuhay ang pansamantala muna ngayong nakahinto matapos ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang parte ng bansa upang maiwasan ang pagkalat ng C0VID-19. Dahil dito, marami rin sa ating mga mamamayan ang naging apektado, lalo na ang ilang Pilipino na umaasa lamang sa kanilang hanapbuhay para sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Ang ilan sa ngayon ay umaasa na lamang sa mga relief goods na ipinapamahagi ng kani-kanilang barangay habang ang iba naman ay nanatili pa ring naghahanapbuhay kahit pa man wala ng masyadong tao na maaaring bumili sa kanila bunsod ng lockdown.


Katulad na lamang ng babaeng ito na nagbebenta pa rin sa gitna ng banta na dala ng C0VID-19.


Sa larawan na ibinahagi ng isang netizen, makikita doon ang isang babae na  nanatili pa ring nagbebenta sa Divisoria kahit pa man ilan sa mga establisyemento sa naturang lugar ay sarado na at wala na ring masyadong pumupunta o dumadaan sa naturang lugar.

Kwento ng netizen sa kaniyang post, naghahanap daw siya ng ATM noong mga oras na nakita niya ang babae. Nilapitan naman daw niya ito upang tanungin kung bakit nagtitinda pa rin ito kahit pa man wala ng halos tao ang dumadaan o pumupunta sa Divisoria ngayon.


Sagot naman sa kaniya ni Lola,

"Kaylangan ko mag benta para may pang bili kami ng pag kain. Mahirap umasa sa relief goods kasi kahit anung mabuting gawin ni mayor isko may mga tauhan sa brgy na mapang samantala."

Nadurog ang puso ng netizen sa sagot na ito ni Lola at hindi din daw niya alam noon ang maaari niyang sabihin para kay Lola.


Marami naman sa mga netizens ang nalungkot at nadurog rin ang puso para sa kalagayan ni Lola. Hiling naman ng mga netizens na sana ay mayroong mabuting puso na tumulong kay Lola nang sa gayon ay hindi na ito makapagtinda pansamantala dahil na rin nga sa krisis na kinakaharap ng bansa ngayon.

Source: Facebook

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW