Noong Linggo lamang, Marso 29, sinimulan na ng DSWD ang mamahagi ng ilang form sa ilang lugar sa bansa. Ang proyekto naman na ito ay tinatawag na social ameliorazation kung saan tinatayang nasa Php18M ang matatanggap ng mga mahihirap na Pilipino.
NasaPhp5,000 hanggang Php8,000 naman ang tinatayang matatanggap ng bawat katao sa isang barangay depende sa kanilang regional minimum wage. Ito rin ay kumbinasyon ng cash assistance at food pax.
Samantala, nakiusap naman ang DILG para sa mga barangay officials na huwag sanang haluan ng pamumulitika ang pera na ipapamahagi na ito para sa nangangailangan sa kanilang barangay. Dapat din daw ay gumawa sila ng listahan kung sino sino ang mga makakatanggap ng ayuda na ito ng gobyerno.
Ani ng DILG sa isang pahayag,
"Wag mamulitika ngayong panahon ng krisis!
"Wag dagdagan o lagyan ng pulitika ang listahan, para mapabilis ang pagbigay ng ayuda ng gobyerno."
Narito naman ang mga kwalipikadong mamamayan na makakatanggap ng Social Ameliorization program:
1. Senior Citizen
2. PWD's
3. Pregnant woman
4. Solo Parent
5. OFW (repatriated at distress)
6. Indigenous people
7. Homeless people
8. Farmers
9. Fisherfolks
10. Self-employed
11. Informal Settlers
12. Ang mga mamamayan na pasok sa 'No Work No Pay' katulad ng construction worker, driver, manikurista, kasambahay, labandera, at marami pang iba).
Samantala, posible naman na makatanggap ang lahat ng nabanggit dahil sa ipinatupad ng Pangulong Rodrigo Duterte na emergency power nito lamang.
Panoorin ang video ni Cayetano:
Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa ayuda na ipapamahagi ng pamahalaan sa mga nangangailangan nito, lalo na sa mamamayang Pilipino na pansamantalang nakahinto ang kanilang hanapbuhay bunsod nga ng lockdown na ipinatupad sa buong Luzon at iba pang parte ng bansa. Ani ng iba sa kanila ang ayudang ito ay malaki na ang maitutulong para sa mga mahihirap na Pilipino. Hiling lamang nila na sana huwag lamang piliin sa kani-kanilang barangay ang makakatanggap nito at sana ay mabigay ang ayudang ito ng gobyerno para sa nararapat at nangangailangan talaga nito.
Source: ENP