40 year old na nanay, napagkakamalan na kasintahan ng kaniyang anak dahil sa ganda at batang itsura nito


Para sa mga kababaihan, ang pag-aalaga at pagma-maintain ng kanilang itsura at figure ng kanilang katawan ay isa sa mga pinaka-importanteng bagay. Madalas pa nga, mayroong ilang kababaihan na kahit sila ay mayroon ng mga anak ay fresh na fresh at mistulang bata pa din ang kanilang mukha na hindi talaga nalalayo sa mga kabataan ngayon.

Dahil dito, mayroon pang pagkakataon na mapagkakamalan ng ibang tao na ang iyong nanay ay iyong kasintahan.

Katulad na lamang ng mag-ina na ito na madalas napagkakamalan ng marami na sila ay mag-jowa dahil hindi sa baby face din na itsura ng nanay na ito at hindi halata na mayroon na itong anak.

Kwento ng netizen na si Jonathan Nguyen, 22-taong gulang, nagugulat at natatawa na lamang daw siya sa ibang tao dahil madalas ay napagkakamalan ng mga ito na magkasintahan sila ng kaniyang ina na nasa 40-taong gulang na dahil sa taglay na ganda at sexy ng kaniyang ina na hindi mahahalata na ito ay 40 anyos na.



Kahit pa man ang mga social media user ay napagkakamalan din silang magkasintahan. Kaya naman madami sa ating mga netizens ang nagtatanong kung ano nga ba ang sikreto ng kaniyang ina sa pagma-maintain nito ng baby face at sexy body.

Ang katanungan naman na ito ng marami ay sinagot nito at sinabi niya na exercise at proper diet lamang ang kaniyang ginagawa. Dagdag pa niya, tanging sikreto lamang niya sa pagkakaroon ng batang itsura at magandang pangangatawan ay ang pagdidisiplina sa kaniyang sarili at sa kaniyang katawan maging sa mga pagkain na kaniyang kinakain.



Kaya naman madami sa ating mga netizens ang bumilib at humanga sa kaniya. Ang ilan ay hindi pa din makapaniwala na ito ay nasa 40-anyos na dahil hindi ito mahahalata sa kaniyang mukha maging sa kaniyang pangangatawan.

Source: Artikulo

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW