Kamakailan lamang, naging viral sa social media si Lola Consulacion matapos nitong mahuli ng mga kapulisan na tumatawid sa ilog para lamang maiwasan ang mga checkpoint habang dala dala nito ang isang eco bag at backpack na punong puno ng dahon ng malunggay at camachile.
Si Lola Consulacion din ay matiyagang naglalakad ng sampung kilometro mula sa kanilang bahay hanggang sa syudad maibenta lamang ang mga dahon ng malunggay at camachile, ngunit dahil sa takot na mahuli ng mga checkpoint, napagdesisyunan na lamang ni Lola na dumaan sa ilog nang sa gayon ay maibenta pa din niya ang mga dala dala niya upang magkaroon siya ng pera pambili ng pagkain nilang pamilya.
Makalipas ang ilang araw matapos mahuli si Lola Consulacion, personal naman siyang pinuntahan ng mga kapulisan sa mismong bahay niya sa Marcos Village sa Mabalacat, Pampanga upang bigyan ito ng kaunting tulong dahil nakaramdam sila ng awa para sa kalagayan ng matanda at dahil sa hirap na pinagdadaanan nito, lalo pa ngayon na umiiral pa din ang enhanced community quarantine sa bansa.
Ang mga kapulisan naman ay nagbigay ng pera at kaunting relief goods para kay Lola Consulacion upang ito ay hindi na lalabas at tatakas sa checkpoint para makapagtinda.
Samantala, sa isang video clip naman makikita din na hindi na napigilan maging emosyonal ni Lola Consulacion dahil sa tuwa na kaniyang nararamdaman para sa mga donasyon at relief goods na kaniyang natanggap.
Lubos naman na nagpapasalamat si Lola Consulacion para sa mga taong nagbigay ng donasyon gayon din sa mga relief goods at tulong na ibinigay ng ating mga kapulisan sa kaniya.
Sana ay mas marami pang magbigay ng donasyon at tulong para kay Lola Consulacion nang sa gayon ay hindi na ito lalabas labas pa sa kanilang bahay para lamang makapagtinda at kumita ng pera pambili ng kanilang pagkain.
Source: Youtube