Actress na si Mylene Dizon, hilig ngayon ang pagtatanim ng prutas at gulay sa kaniyang bakuran


Tunay nga naman na iba ang pakiramdam na naibibigay sa atin ng ating bakuran, lalo na kung ito ay punong puno ng iba't ibang pananim katulad ng mga prutas at gulay. Bukod sa maaari tayong makapag-relax dahil sa sariwang simoy ng hangin na dala nito, maaari din tayong makatipid sa pagbili ng mga prutas o gulay sa palengke dahil maaari na natin makuha ang ilan nito sa ating mga bakuran at masisiguro pa natin na sariwa ang ating kakainin.

Isa ang actress na si Mylene Dizon sa mga sikat na personalidad na nahihilig ngayon sa pagtatanim ng gulay sa kaniyang bakuran sa Silang, Cavite. Sa katunayan nga nyan, halos lahat na ata ng mga gulay na nabanggit sa 'Bahay Kubo' ay mayroon na siya sa kaniyang bakuran.

Maliban sa pagtatanim, naging libangan na din ng actress ang pagtitiris ng mga insekto o peste na kumakain sa kaniyang pananim. Hindi din gumagamit ng kahit anong pestecide ang actress at siya na lamang mismo ang nagtitiris at nagtatanggal ng mga peste o insekto na dumadapo sa mga pananim niya.




Kwento ng actress, noon pa man ay mayroon na siyang interes sa pagtatanim ng mga gulay. Sa katunayan nga nyan, nang naninirahan pa ang actress sa isang condominium, nagtatanim na siya ng mga gulay sa balcony ng kaniyang condo unit.

Kaya naman lubos na hinangaan ng marami ang actress dahil bukod sa galing nito sa pag-arte at pagiging mapagmahal at maalagang ina at asawa, hinangaan din siya dahil sa pagiging nature lover niya at galing sa pag-aalaga ng kaniyang mga pananim.




Dahil sa mga tanim na gulay ng actress, hindi na niya kailangan pang pumunta sa mga supermarket o iba pang pamilihan para bumili ng ilang gulay na kailangan niya dahil maaari na niya itong makuha o ma-harvest lamang sa kaniyang bakuran.




Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW