Aktor na si Adiran Alandy, binanatan ang Pangulong Duterte matapos nitong bantaan ang mga leftist groups
April 08, 2020
Noong nakaraang linggo lamang, naging viral sa social media ang video clip kung saan makikita ang pagra-rally ng ilang residente ng Quezon City kahit pa man kasalukuyang umiigting ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Matapos nito, naglabas naman ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga leftist group kung saan binigyan niya ng babala ang mga ito dahil sa mga maling gawain na kanilang ginagawa.
Banta ng Pangulo,
"Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na 'yung pambabastos ninyo 'yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government.
Naintindihan ninyo 'yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation.
"Intindihin ninyo 'yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.
"Huwa ninyo akong takutin ng gulo-gul kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh 'di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate.
"My orders are sa pulis pati mitary, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh 'di ilibing ko na kayo. Ah 'yung libing, akin 'yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil."
Samanatala, ilan naman sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ang hindi nagustuhan ang banta ni Pangulong Duterte laban sa mga leftist group. Isa na nga dito ang beteranong aktor na si Adrian Louis Alandy o mas kilala sa tawag na Luis Andy.
Saad ni Andy, karamihan na umano sa mga Pinoy na bumoto kay Pangulong Duterte ay nagsisisi na ngayon. Ani Andy sa kaniyang Twitter account,
"Sobrang daming Pilipino ang nagsisisi na ikaw ang binoto na mamuno sa Pilipinas."
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Quezon City Task Force Action Officer Rannie Ludovica na ang leftist group na KADAMAY ang mayroong pakana sa pagra-rally na ginawa ng mga residente sa Quezon City. Ang pahayag naman na ito ay mariing tinanggi ng KADAMAY at sinabi na wala silang kinalaman sa ginawang pagra-rally ng mga ito.
Source: Citizen Express