Ama na dating nagbebenta ng ballpen, malaki ang pinagbago ng buhay ngayon


Kung ating matatandaan, nag-viral noon ang isang Syrian refugee na si Abdul Halim al-Attar matapos kumalat ang larawan nito sa social media kung saan makikita na karga-karga nito ang kaniyang anak habang nagbebenta ng ballpen kung saan makikita na umiiyak rin ito at tila nagmamakaawa sa mga tao na bilhin na ang ballpen na kaniyang tinitinda upang mayroon siyang mabigay na pangkain sa kaniyang anak.

Ang mga larawan namang ito ni Al-Attar na kumalat sa social media ay naging isa ring daan upang matupad ang kaniyang mga pangarap.

Ayon sa ilang balita, marami daw mga netizens ang naghatid ng tulong para kay Al-Attar nang kumalat ang larawan nito. Ang crowdfunding site naman na IndieGogo ay binigyan siya ng tinatayang $191,000 o mahigit na 10 million pesos.



Ngunit, nakuha lamang niya ay umabot sa $168,000 dahil na rin nabawas sa pera ang mga bank fees at processing fees. Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si Al-Attar sa tulong na kaniyang natanggap dahil ito ay malaking bagay na para sa kaniya at kaniyang anak.

Dahil rin dito, nagkaroon siya ng kaniyang negosyong panaderya at mayroon na rin siyang sariling tahanan. Ang negosyo rin ni Al-Attar ay naging maayos naman ang takbo hanggang sa lumago na ito ng lumago.



Si Al-Attar din ang personal na nag-hire sa 16 pang Syrian refugees upang matulungan din siya sa kaniyang panaderya.

Simula noon, naging maganda at maayos ang takbo ng kaniyang panaderya at binabalik-balikan rin ito ng mga tao dahil talaga nga namang masasarap ang shawarma at tinapay na tinda ni Al-Attar.

Nabigyan na rin nga niya ang kaniyang pamilya ng magandang bahay at ngayon naman ay nagpo-pokus si Al-Attar sa pag-aaral ng kaniyang anak dahil nahinto rin ito ng tatlong taon dahil nga sa kapos sila sa pera.



Ang pagiging mapagkumbaba at kabutihang loob na mayroon si Al-Attar ay naging daan upang makamit niya ang kaniyang pangarap sa buhay at siya ay unti-unting umasenso. Labis ang pasasalamat na hatid niya para sa mga taong nagbigay ng tulong sa kaniya.

Source: The News Spy

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW