Andi Eigenmann, sinasanay ang mga anak na magkaroon ng healthy lifestyle at simpleng pamumuhay sa probinsya


Alam naman natin na hindi biro ang pagiging isang ina dahil sa mga responsibilidad na nakaatang sa kanila., mula sa pag-aalaga at pagaaruga ng kanilang mga anak at asawa hanggang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Maaari din magbago ang takbo ng iyong buhay kung ikaw ay magiging ganap nang ina dahil maaaring ang mga nakasanayan mong ginagawa o mga hobbies mo noon ay hindi mo na maaaring magawa ngayon dahil kinakailangan mong mas pagtuunan ng pansin ang iyong pamilya.

Kahit pa man madalas sinasabi ng marami na nakakapagod maging isang ina dahil sa mga trabaho at responsibilidad na nakaakibat sa kanila, ang kanilang mga anak naman ang siyang nagbibigay sa kanila ng lakas at nagpapawala ng pagod nila sa araw-araw.



Matapos umalis pansamantala ng actress na si Andi Eigenmann sa mundo ng showbiz, mas pinili nitong magkaroon ng tahimik at simpleng buhay sa isla ng Siargao kasama ang kaniyang nobyong si Philmar Alipayo at ang kanilang dalawang anak.

Sa ngayon ang bunsong anak ni Andi ay siyam na buwan taong gulang na kaya naman sinasanay na ito ni Andi s apagkain ng mga solid foods. Sinisigurado din ni Andi na lahat ng kakainin ni Baby Lilo at ng nobyong si Philmar ay mga masusustansyang pagkain lamang upang mas lumakas pa ang katawan at resistensya nilang mag-ama.



Isa si Andi ngayon sa inspirasyon ng marami dahil sa pagiging hands-on na ina nito sa kaniyang pamilya at dahil na din sa healthy lifestyle nito.

Sa mga larawan na ibinabahagi ni Andi sa kaniyang mga social media account, makikita dito ang mga masusustansyang pagkain na inihahain niya para sa kaniyang mag-ama katulad na lamang nga ng mango blend smoothie, kalamunggay, at kale.



Makikita din ang egg toast at avocado na ginawa ni Andi kung saan ang prutas pa na ginamit niya ay kakapitas lamang din sa puno kaya naman masisigurado na fresh na fresh talaga ito.

Kahit pa man hindi kasama ngayon ni Andi ang panganay na anak na si Ellie dahil kasalukuyan itong nasa syudad at kasama ang ama nito, nasasabik pa din si Andi na muli na itong makasama sa probinsya at paghandaan din ito ng mga masusustansyang pagkain.


Marami naman sa ating mga netizens ang humanga sa actress dahil sa kabila ng karangyaan at kasikatan na taglay ni Andi, mas pinili pa rin niya ang simpleng pamumuhay sa probinsya kasama mga anak at ang kaniyang asawa.


Kahit pa man iniwan ni Andi ang mundo ng showbiz at buhay na mayroon siya sa syudad, makikita pa din sa mga mata ng actress kung gaano siya kasaya at ka-kontento sa buhay na mayroon siya ngayon.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW