Angel Locsin, mas piniling pisilin ang kandila sa kaniyang birthday cake bilang pag-iingat imbis na hipan ito


Isa ang Darna-themed cake sa mga cakes na natanggap ng actress na si Angel Locsin bilang pagdiriwang sa kaniyang ika-35 na kaarawan. Ngunit, imbis gawin ang nakasanayan ng marami na hipan ang kandila pagkatapos magsabi ng wish, mas pinili ng actress na pisilin na lamang ang mga kandila bilang pag-iingat na din sa C0VID-19 krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.

Noong una, ginawa ng actress ang pagpapalakpak upang patayin ang apoy sa mga kandila ngunit ang mga apoy ay hindi namatay. Naisip naman ng actress na pisilin na lamang ito upang protektahan din ang mga kasama niya sa bahay na kakain din ng cake mula sa virus.

Sa Instagram story naman na ibinahagi ng fiance ng actress na si Neil Arce, maririnig na sinabi nito sa background na,

"Ayan magpapakapaso na lang siya."




Saad naman ni Neil, sobrang proud at masaya siya para sa kaniyang fiance dahil masaya ang actress na nagawa niya ang kaniyang gusto bilang pagdiriwang sa kaniyang ika-35 na kaarawan at 'yon ay ang tumulong sa kaniyang kababayan na nangangailangan ng tulong.

Sina Angel at Neil ay isa sa mga personalidad na patuloy pa din ang pamamahagi ng tulong, hindi lamang sa mga ordinaryong tao, kung hindi maging sa ating mga frontliners na sinasakripisyo ang kanilang buhay malabanan lamang ang C0VID-19 sa bansa.


Kung ating maaalala, naging abala naman ang dalawa dahil sila ang siyang nangunguna sa pagpapatayo ng tents sa ilang crowded ospital sa Luzon nang sa gayon ay hindi magkadikit dikit pa lalo ang mga pasyente at upang mayroon ding pansamantalang matutuluyan ang mga frontliners kapag magpapahinga na ang mga ito galing sa mahabang duty.


Saad ni Neil sa kaniyang Instagram account,

“Happy birthday, my Love! I know this year you celebrated the way you truly wanted to celebrate your birthday — by helping people for over a month straight now.”


Sa naturang post, nangako din si Neil sa actress na hindi siya magsasawang suportahan ito sa mga bagay na nais nitong gawin at sa pagtulong na ginagawa nito para sa kaniyang kapwa Pilipino.

“I will be with you every step of the way. I declare protection over you in Jesus name! I love you, gorgeous.”

Source: Instagram

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW