Canadian tourist, nag-donate ng Php1.2M sa Philippine hospital, pinuri ng mga netizens dahil sa kabutihan nito
April 05, 2020
Turistang si John Abou-Samra, mula Canada, na bumisita sa Palawan, Philippines noong nakaraang Hunyo ay muling binalikan ang isang ospital na tumulong sa kaniya nang siya ay nagka-injury habang siya ay namamasyal sa naturang lugar.
Kwento ni John, habang siya daw ay namamasyal sa Kayangan Lake sa Coron Town, bigla na lamang daw nasira ang kahoy na kaniyang dinadaanan na naging sanhi ng pagbagsak naman ng isa sa kaniyang binti na umabot hanggang sa kaniyang balakang.
Mabilis naman siyang nakita ng mga lokal na nagbabantay sa naturang lugar kaya mabilis din ang mga itong umaksyon at tinulungan si John at binigyan rin nila ito ng agarang first aid.
Ani John sa isang panayam,
“I asked someone to take a picture of me, and then after she took picture, I moved to this side to sit down. While I moved, two of this wood, they split, and my right leg sank between them up to my hip. Until now I still have the pain.”
Noong una, akala daw niya ay magiging ayos na uli ang lahat matapos ang insident, ngunit, isang araw matapos ang insidente ay nagsisimula namang lumala ang mga sugat na natamo sa insidente kaya naman mabilis niya itong ipinagamot sa ospital.
Si Dr. Edgar Flored naman ang siyang tumingin ng kalagayan ng binti ni John at binigyan niya rin ito ng ilang mga payo kung paano nito mapapagaling ang mga injuries na natamo sa kaniyang binti.
Ani John,
"Two nurses took care of me the way I could not imagine, plus in the half an hour I stayed in the hospital, I heard the word 'sir' more than 25 times. Even when I was wearing something very casual; I looked like a homeless person, they never stopped calling me sir."
Habang nasa ospital naman si John dahil kailangang mabantayan at masuri ang kaniyang mga sugat, napansin niya naman ang hindi magandang kalagayan ng naturang ospital. Napansin niya rin ang kakulangan ng ospital sa mga medical supplies at machineries.
Dahil dito, naisip ni John na tulungan ang mga taong tumulong sa kaniya habang siya ay mayroong injury. Napagpasyahan ni John na hindi muna ituloy kaniyang 100 days cruise tour at ibinigay na lamang ang pera na kaniyang ipambabayad dito sa ospital na siyang sumuri at nag-alaga sa kaniya.
Si John naman ay nagtatrabaho bilang bus driver sa Canada at siya ay kilala rin sa naturang bansa bilang mapagbigay sa kaniyang komunidad.
Ayon sa ilang ulat, tinatayang nasa Php1.2M ang ibinahagi ni John para sa ma medical equipment na kailangan ng naturang ospital. Ang pera naman ay kaniyang ibinahagi ilang araw matapos niyang mag-retire mula sa Coast Mountain Bus Company.
Nag-donate si John ng mga centrifuge, oxygen gauge, defibrillator, stethoscopes, at ECG machine sa medical ospital.
Ang kaibigan naman ni John na isang Pinoy ang siyang tumulong sa kaniya para makausap ang consulate sa Vancouver para maipadala ang mga gamit na kaniyang ido-donate sa medical hospital sa Coron.
Kahit pa man hindi natuloy ang pinapangarap na cruise tour ni John, masaya pa rin siya dahil siya ay nakapamahagi ng tulong sa medical center na siyang magliligtas sa maraming buhay ng mga tao.
Aniya,
“If you give them the means, they can work miracles.”
Ani pa ni John,
“I like to make a difference.”
Noong nakaraang Oktubre, naipadala na sa Coron District Hospital ang mga gamit na ibinigay ni John sa kanila.
Panoorin ang video:
Source: Youtube