'Christ the Redeemer' sa Brazil, pinailaw upang magbigay ng tribute para sa lahat ng mga frontliners


Naging viral sa social media kamakailan lamang ang pagpapailaw sa estatwang Christo Redentor o 'Christ the Redeemer' sa bansang brazil upang magbigay-pugay para sa lahat ng mga medical workers at frontliners sa iba't ibang panig ng mundo na sinasakripisyo ang kanilang buhay upang malabanan lamang ang C0VID-19.

Nagkaroon din ng misa sa ibabaw ng Corcovado mountain sa Rio de Janeiro kung saan matatagpuan ang tinuturing na 'most iconic ang popular tourist destination' sa Brazil.

Sa post na ibinahagi ni R-jhay Hizon, makikita na ang nakasuot ng pandoktor na kasuotang ang estatwa habang makikita naman sa video clip ang ating mga medical workers maging ang mga bandila ng iba't ibang bansa sa mundo.

Makikita din sa naturang video na habang naka-display ang bandila ng bansang Pilipinas, makikita naman sa ibaba ang katagang 'salamat' at 'pag-asa'.

Imahe mula sa Facebook account ni R-jhay Hizon
Imahe mula sa Facebook account ni R-jhay Hizon
Saad ng netizen sa caption ng kaniyang post,

“Teary–eyed seeing the iconic Christ the Redeemer statue in Brazil lit up as a doctor with the word ‘salamat’ on it, and also projecting our Philippine Flag with the word ‘pag-asa’ as a tribute to all the frontliners battling the coronavirus pandemic around the world.”

Pagpapatuloy niya,

“Truly God is with us in this battle, prayers to all the people around the world. Stay safe and be strong. We will all get through this.”

Imahe mula sa Facebook account ni R-jhay Hizon
Narito ang ilan sa mga komento ng ating mga netizens:

“Amen! Hopefully mawala na ang pandemya na ito sa lalong madaling panahon. Sana po lahat ay gumaling… I’m sure pagkatapos nito, maiiba na ang karaniwang routine ng mga tao.”

“Amen to that! I think this is the way of Jesus para marealize natin ang mga pagkakamali natin.”

“I’m excited to see the world again. May God heal our land, our world. Pagsubok lang naman ang lahat ng ito. Pasasaan ba’t makakaraos din tayo.”


Alam naman natin na halos lahat ng simbahan at iba pang panambahan sa buong mundo ay pansamantalang nakasarado ngayon dahil nga sa lockdown na umiigting ngayon sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa C0VID-19 krisis, ngunit ito ay hindi naging hadlang para ipagdiwang ng Simbahang Katolika ang 'Linggo ng Pagkabuhay' at magkaroon ng misa sa Christ the Redeemer.

Source: Facebook

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW