Coco Martin, ipinakita sa publiko ang munting bahay kubo sa bakuran ng kaniyang bahay


Tunay nga naman na nakakapagbigay ng kakaibang pakiramdam at magandang enerhiya sa atin ang ating mga bakuran, lalo na kung ito ay napapalibutan ng iba't ibang pananim katulad na lamang ng gulay at prutas. Kaya naman ang iba sa atin ay talaga namang pinupuno ng iba't ibang halaman at pananim ang kanilang bakuran dahil maliban sa masarap na simoy na hangin na maaaring dala nito, ito din ay isa sa mga nakakatulong sa atin upang mag-relax tuwing tayo ay pagod o di kaya stress.

Karamihan sa ating mga paboritong personalidad at mga artista ngayon ay nahihilig na din sa pagtatanim ng iba't ibang gulay at prutas sa kanilang bakuran.

Isa na nga dito ang actor na si Coco Martin.




Sa larawan na ibinahagi ng actor sa kaniyang Instagram account, ipinakita niya ang isang bahagi ng kaniyang bahay kung saan makikita na punong puno ito ng iba't ibang pananim. Madami naman sa ating mga netizens ang nagulat at namangha dahil hindi nila inakala na si Coco pala ay isa di palang nature lover.

Makikita sa bakuran ng actor kung gaano siya ka-hands on sa pag-aalaga ng mga pananim sa kaniyang munting 'bahay kubo'. Kaya naman lalong humanga sa kaniya ang marami dahil na din sa galing niya sa pag-aalaga at pagha-handle ng mga pananim sa kaniyang bakuran.




Makikita din sa kaniyang bakuran ang ilang mga masusustansyang gulay na nakatanim katulad na lamang ng pipino, amplaya, okra, talong, at sitaw. Hindi na din kakailanganin pa ng actor na pumunta pa sa mga supermarket o iba pang pamilihan para lamang bumili ng gulay dahil ang ilang mga gulay ma kaniyang hinahanap ay maaari na niyang makuha sa kaniyang bakuran.

Kahit pa man abala ang actor sa kaniyang trabaho, hindi pa din nito nakakaligtaan na tignan at alagaan ang kaniyang mga pananim kaya hindi nakakapagtaka kung bakit ganito din kaganda at kaayos ang kaniyang bakuran.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW