Dating housemate ng PBB, pinatutsadahan ang banta ni Pres. Rodrigo Duterte laban sa mga leftist group


Kabi-kabilang mga kontrobersiya ang hinarap ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong mga nakakaraang araw at linggo. Sa nagdaang pahayag nga lamang ni Pangulong Duterte nito lamang, nagbigay naman siya ng mga babala para sa mga leftist group matapos maging viral ang video clip kung saan makikitang nagra-rally ang ilang residente ng Quezon City kahit pa man umiigting ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa.

Ani ng Pangulo,

"Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na 'yung pambabastos ninyo 'yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. 


Naintindihan ninyo 'yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation.

"Intindihin ninyo 'yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.

"Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gul kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh 'di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate.

"My orders are sa pulis pati mitary, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. 

Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh 'di ilibing ko na kayo. Ah 'yung libing, akin 'yan. Huwag ninyo 
subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil."


Sa pahayag naman na inilabas ni Quezon City Task Force Action Officer Rannie Ludovica, sinabi nito na pakana umano ng leftist group na KADAMAY ang pagra-rally ng mga residente dahil umano sa panghihikayat ng KADAMAY sa mga ito.

Samantala, mariin naman itong itinanggi ng KADAMAY at sinabi na wala silang kinalaman sa pagra-rally ng mga residente sa Quezon City.

Ilan naman sa mga sikat na artista at personalidad ang hindi nagustuhan ang babala na sinabi ni
Pangulong Duterte laban sa mga leftist group. Isa na nga sa mga ito ay ang dating housemate reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother at ngayon ay isang sikat na vlogger na si Baninay Bautista.

Sagot ni Baninay sa kaniyang Twitter account,

"Taas ang kamay ng mga bumoto kay pduts dati pero feeling nila nasayang boto nila at kelangan na siya iparehab kase malakas na sira niya sa ulo. #OUSTDUTERTENOW."



Source: Citizen Express

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW