Kaagad naging viral sa social media ang post ng netizen na si Ronald Ar-Ar Ouano matapos niyang ibahagi ang larawan ng delivery man na ito na patuloy pa din sa paghahanapbuhay sa kabila ng kaniyang kapansanan at sa bansa na dala ng C0VID-19.
Marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa delivery man na hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng isang binti upang magpatuloy sa kaniyang pagtatrabaho at pagbibigay ng serbisyo.
Sa larawan na ibinahagi ni Ronald, makikita na hawak hawak ng delivery man ang kaniyang saklay habang siya ay papunta sa kaniyang motor upang magpatuloy sa kaniyang trabaho.
Nagpahayag din si Ronald sa kaniyang post ng paghanga sa lalaki dahil sa sipag at tiyaga nito sa kaniyang trabaho sa kabila ng kaniyang kapansanan. Sa katunayan nga ay isa ang lalaking ito sa mga 'top performer' sa Food delivery service na Food Panda sa Cebu.
Inulan naman ng positibong komento ang viral post ni Ronald mula sa ating mga netizens at hiling ng ilang netizens na sana ay maging inspirasyon ang kasipagan at tiyaga ng delivery man sa marami sa ating.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Nakakahanga naman si Kuya.. Salute. May He always keep you safe po.
Sana sa lahat ng tinatamad maghanap ng work, or sa mga nasanay ng mging tambay at asa nalang kung kani-kanino, SANA.. Sana makitaan at maging inspiration nyo si Kuya.. Masipag at determinado."
"He's from Cebu. I stood up for him when he asked for a plastic bag on "No plastic bag day" by telling the cashier that it will be very difficult to carry the food he bought to his motorcycle as he has to use his crutches. The cashier was adamant. He didn't complain and just picked up the food inside a paper bag as gently as he can to keep it from ripping apart. There was nothing I can do but open the door for him even if we both knew he can do it by himself. He's that awesome."
"Salute and two thumbs up sau sir.. God bless and keep safe always.."
Source: Facebook