Dingdong Dantes, nag-alok ng online jobs para sa ga Pinoy na hindi makapagtrabaho bunsod ng ECQ sa bansa


Actor na si Dingdong Dantes nag-alok ng online jobs para sa mga netizens na hindi makapagtrabaho sa labas dahil sa umiigting na enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa.

Sa kaniyang Instagram account, inanunsyo ng actor na ang charity organization na YesPinoy Foundation, na kaniyang pinangungunahan, ay kasalukuyang nakikipagtulungan sa Jobstreet at Workabroad PH's #SanaOl campaign na naglalayon na bigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan na hindi makapagtrabaho o hanapbuhay bunsod ng COVID-19 krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.


Ani Dingdong,

“Gusto mo ba ng trabaho habang naka-home quarantine?”



Saad pa ng actor, sila ngayon ay nag-aalok ng online jobs para sa mga netizens na naghahanap ng trabaho sa online upang sila ay kumita ng pera kahit pa man sila ay nasa bahay lamang habang umiiral pa ang lockdown sa bansa.


Saad ng actor,

“May online jobs para sa freelancers, sa mga naghahanap ng alternative work, at sa K-12/ High School graduates. May home-based jobs din na ‘no experience needed’ at interview na pwedeng sa telepono lang!”



Alam naman natin na talagang maraming mga Pinoy ang apektado ngayon ng enhanced community quarantine dahil maging ang ilang mga negosyo ay pansamantala munang ipinahinto ng pamahalaan.

Dahil dito, ilan sa mga Pinoy ang namomroblema ngayon kung saan sila maaaring makahanap ng pera pantustos sa kanilang mga gastusin habang umiiral pa ang ECQ sa bansa.

Tanging pinapayagan lamang makapagtrabaho ngayon ay ang mga bank employees, health workers, authorized government officials, at mga empleyado sa mga grocery stores at supermarket.


Kamakailan lamang, namahagi din ng tulong si Dingdong at asawa nitong si Marian Rivera sa mga health workers sa Quezon City General Hospital kung saan binigyan nila ang mga ito ng pagkain bilang pagpapakita na rin ng pasasalamat para sa sakripisyo at hirap na kanilang ginagawa ngayon upang mailigtas ang mga COVID-19 patients.

Saad ni Dingdong sa kaniyang naunang pahayag,

“We are in a battle that demands for the government and the private sector’s proactive and strengthened response. We are in a battle that requires us, citizens, to integrate health emergency preparedness in our way of life.”



Source: VP

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW