Ang ating mga healthcare workers at iba pang mga frontliners ay sinasakripisyo ang kanilang buhay para lamang masiguro ang ating kaligtasan at mapuksa na ng tuluyan ang COVID-19 sa bansa. Kaya naman dapat lamang na ipakita natin ang ating pasasalamat para sa hirap at sakripisyo na kanilang ginagawa para lamang iligtas ang buhay ng bawat isa sa atin.
Kamakailan lamang, naging viral sa social media ang naging karanasan ni Arnel Jowjow Manayon Jumayao, isang peditrician sa Easy Avenue Medical Center sa Quezon City, nang siya ay pumunta sa Robsinsons Supermarket (Eastwood) para sana bumili ng mga pangangailangan sa kanilang bahay.
Kwento ni Arnel, kakatapos lamang daw noon ng kaniyang isang buong araw na duty sa ospital.
Matapos makapagpalit ng damit, napagpasyahan ni Arnel na pumunta muna sa grocery store para bumili ng ilang mga groceries bago siya umuwi sa kanilang bahay.
Nang nasa pila na si Arnel, nagulat daw siya dahil lumapit sa kaniya ang manager ng naturang supermarket at sinabi sa kaniya na doon na lamang siya pumila sa priotity lane nang sa gayon ay hindi na siya pipila ng mahaba.
Saad ni Arnel, sinabi niya daw sa manager na ayos lamang sa kaniyang maghintay sa pila dahil hindi naman siya ganoon nagmamadali at dahil baka rin magalit sa kaniya ang iba pang mga mamimili na naunang pumila sa kaniya, ngunit pinilit pa rin siya ng manager.
Ang nakakatuwa naman sa pangyayaring ito ay nang pumayag na si Arnel sa alok ng manager na uunahin na siya, ang iba namang mamimili na nakapila ay nginitian siya at sinabi sa kaniya na ayos lang na siya ang mauna sa pila.
Sa kabila ng pagod na nararamdaman ni Arnel nang mga oras na iyon, lahat ng iyon ay napawi at nawala dahil sa kabutihan at pagpapahalaga sa kanila ng ibang tao. Saad ni Arnel, ang pasasalamat na ipinapabatid sa kanila ng mga tao ay ang isa sa mga inspirasyon nila upang paghusayan at galingan pa ang kanilang trabaho.
"From my 24-hour duty, I made a last minute decision to grab a few groceries at Robinsons Eastwood before heading home. Forgive me for I was wearing my unironed scrubs from work. Don’t worry, it was a clean pair.
The queue at the counter was a tad long but I fell in line just like the usual. While waiting for my turn, the supermarket manager approached me, took my grocery basket and guided me to an open counter saying “Doc, dito po kayo sa priority counter”.
I was very hesitant since everyone was patiently waiting for their turn and I didn’t want to cause a scene. So I replied, “Naku po ma’am, hindi na po. Malapit na din naman ako sa counter” but she insisted and carried my stuff to the closed counter beside.
Looking back at the others who fell in line and waited for their turn, I was still hesitant to leave my spot. However, all of them smiled and what seemed like a “go signal” for me to go ahead. The lady in front of me even said “Sige na, Doc. Mauna na po kayo maraming salamat po sa ginagawa ninyo”.
The manager who opened the counter also thanked me for what I do. I walked out the supermarket smiling but holding my tears (Promise naiyak ako). Hindi ko po inakala ganito pala kagaan sa loob pag sa harap mo mismo naramdaman na inaapreciate ka.”
Source: Facebook