Doctor, halos masira ang tirahan dahil sa buhawi, ilang araw lamang ang nakalipas matapos maging viral ang larawan nito kasama ang kaniyang anak


Para kay Dr. Jared Burks, nakakalungkot para sa kaniya bilang ama na hindi man lang niya makita o mapanood ang bawat hakbang na nagagawa ng kaniyang 1 taong anak na si Zeke Burks araw araw dahil hindi pa siya maaaring makalapit sa kaniyang anak dahil siya ay nae-expose sa mga COVID-19 patients.

Kaya naman, wala ring magawa si Dr. Jared kung hindi tiisin muna ang pagiging mag-isa sa kanilang bahay habang ang kaniyang asawa naman na si Alyssa Burks at anak nilang si baby Zeke ay nakatira muna pansamantala sa bahay ng mga magulang ni Alyssa hanggang sa matapos ang COVID-19.

Ani Alyssa,

“He is working right now in a rotation that has him all over the hospital, including the ER, and he just felt like it would be responsible for us to quarantine from each other.”


Minsan, binibisita rin ni Dr. Jared ang kaniyang pamilya tuwing siya ay hindi pagod sa trabaho at mayroon pang natitirang oras sa kaniya. Ngunit, hindi siya maaaring makalapit sa mga ito kaya naman nakikita lamang ni Dr. Jared ang kaniyang pamilya sa glass door sa labas ng bahay ng kaniyang mga maungang.

Isang araw, nang bumisita si Dr. Jared sa bahay, kaagad namang lumakad si Zeke paunti-unti papunta sa kaniyang ama. Hindi rin maintindihan ni Zeke kung bakit hindi siya maaaring mayakap o mahawakan man lang ng kaniyang ama, ngunit, bakas pa rin sa mukha ni Zeke ang tuwa at saya nang makita ang kaniyang ama sa glass door.

Paliwanag ni Alyssa,

“As soon as he saw his dad he just raced to the door. He got up on the glass because I think he wanted him to hold him, so it was sad, it was cute, but it was really heartbreaking because it’s hard.”


Ang nakakaantig na larawan at kwento naman na ito ni baby Zeke at ni Dr. Jared ay ibinahagi ni Alyssa sa social media kung saan ito ay naging viral kaagad sa mainstream media.

Ani Alyssa sa kaniyang post,

“Look who we finally got to see today! Not going to pretend that I didn’t bawl like a baby when he left to go back to work. We miss him, but we are doing what we have to do. 😢❤️ Count your blessings. That’s what’s getting us through this!

**I’ve had a few people message me asking if they can share this. Of course you can. Maybe it’ll encourage more people to stay home.**

The more we stay home, the less likely we are to spread it and the less likely they are to be affected by it as well. And we need them.”

Ngunit, dalawang araw ang nakalipas simula nang maging viral sa social media ang larawan, muli na namang mag-isa si Dr. Jared sa kanilang bahay, natutulog lamang ito nang sandaling iyon matapos ang mahabang duty sa ospital nang tumawag sa kaniya si Alyssa na mayroong malakas na buhawi ang papunta sa lugar na tinitirhan nila.

Kaagad namang tinignan ni Dr. Jared ang labas ng kanilang bahay at doon niya nga nakita ang buhawi na papunta na sa kanilang bahay. Tanging 30 segundo lamang ang natitirang oras para kay Dr. Jared na magtago sa loob ng closet sa kanilang master's bedroom upang hindi siya masama sa buhawi na tatama sa kanilang lugar.

Makalipas ang ilang minuto, ang buong bahay naman nila ay nagkagulo gulo na, ngunit, nakaligtas naman si Dr. Jared. Laking pasasalamat rin ni Dr. Jared na ang kaniyang mag-ina ay wala sa kanilang bahay ng mga oras na iyon dahil malaki talaga ang naging epekto ng tumamang buhawi sa kanilang bahay. Sa katunayan nga, maging ang bubong kung saan nakapwesto ang crib ni Zeke ay ang nasira ng sobra.

Source: B

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW