Ngunit, nakakalungkot lamang isipin na kahit ilan sa ating mga kababayan ay talagang lubos na nangangailangan ng tulong, sila pa din ay hindi napipiling mabigyan ng ayuda at mas masakit pa dahil may pagkakataon na binabawi ang naibigay na ayuda sa kanila.
Katulad na lamang ng nangyari sa matandang lalaki na ito matapos bawiin umano ng DSWD ang Php6,500 na ayuda sana na matatanggap ni lolo para sa social amelioration program ng pamahalaan.
Sa post ng apo ng nasabing lolo na si Joel Alva Baclao, sinabi niya na sobrang saya ang nararamdaman ng kaniyang lolo at lubos ang pasasalamat nito nang makakuha ito ng ayuda mula sa gobyerno dahil ito ay malaking tulong para sa kaniya upang mabili na lahat ng kaniyang mga pangangailangan.
Ngunit, ang kasiyahan na ito ay napawi din at napalitan ng lungkot nang bawiin ng DSWD ang ayudang natanggap ni lolo.
Kwento ni Joel, hiling lamang daw ng matanda na magkaroon siya ng mga bagong damit na maisusuot ngunit ngayon ay hindi na niya mabibili ang mga iyon dahil nga binawi ng DSWD ang ayuda sana nito.
Pagbabahagi pa ni Joel, hindi pa nila nabalik ang buong halaga na natanggap ni lolo sa ayuda nang bawiin na ito ng DSWD dahil nagastos na din nila ang Php1,000 mula dito na ipinambili naman nila ng mga personal hygiene at vitamins na kailangan ng matanda.
Saad din ni Joel, si lolo ang siyang gagamit ng ayuda at para sa kaniya lamang lahat ng iyon at hindi sa kanila kaya naman nagtataka siya kung bakit binawi pa ito gayong kailangan na kailangan ito ng matanda.
Basahin sa ibaba ang kabuuang post ni Joel:
"Sobra nalungkot si lolo kasi binawi ng dswd ang pera na binigay na ayuda...nalungkot sya sobra hiling lang nya sa binigay ayy ibili sya ng brief at damit at 6 pocket na short pero ganun pa man ayan yung pera 5550 pa napabalik at kulang 1k napamili namin para sa personal hygiene nya at vitamins buti nalang di namin iginastos sa iba pa nya pangangailangan...kung sino man po ang nag sabi na bakit kme kasama.. Tingnan nyo po ginawa nyu...para sa matanda yung ayuda di sa amin..god bless nalang sa na inggit...."
Source: Facebook