Francis Leo Marcos ibenenta ng Php 40M ang bahay para magbigay tulong sa mga kababayan


Naging laman ng social media kamakailan lamang ang philanthropist at businessman na si Francis Leo Marcos matapos nitong ipauso ang 'Mayaman Challenge' sa social media at ang paraan ng kaniyang pamamahagi ng tulong para sa mga mahihirap na kababayan, lalo na sa krisis na kinakaharap ng bansa ngayon.

Ngunit, sa kabila ng pagtulong na ginagawa ni Francis sa mga tao, mayroon pa rin umanong nanabotahe sa kabutihan na kaniyang ginagawa.


Sa ilang video clip ni Francis na ibinahagi sa kaniyang social media accounts, ipinahayag nito na nawala umano ang kaniyang Facebook account matpos niyang hamunin ang mga kapitbahay na kapwa mayayaman na lumabas sa kani-kanilang bahay at mamahagi ng tulong para sa mga mahihirap na Pinoy na lubos na apektado ngayon ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.


Ayon kay Marcos, inilabas niya umano ang kaniyang video noong Marso 30 sa kaniyang mga social media accounts, na tanging sinabi lamang niya ay ang mga pahayag na magpapagising sa kaniyang mga kapitbahay.

Matapos maging viral ng video niya ito sa social media, noong Marso 31 naman daw ay nagsimula na siyang makatanggap ng reklamo mula sa mga ito.


Sa magkahiwalay naman na video clip, ibinahagi ni Francis na ibinenta niya na rin ang sariling bahay na naipundar sa halagang nasa Php40M para lamang magkaroon ng pondo na pambili ng bigas na ipapamahagi sa mga kababayan na apektado ng pandemic na COVID-19.

Ngunit, sa kabila ng mabuting hangarin ni Francis para sa kaniyang mga kababayan, mayroon pa rin talagang ilan na naninira sa kaniya at sinasabotahe ang kabutihan na kaniyang ginagawa.

Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng kanilang suporta para sa kabutihang ginagawa ni Francis na makatulong para sa mga kababayan.

Panoorin ang video:


Nagpahayag rin ang ilan sa kanila ng pasasalamat kay Francis dahil sa tulong na ibinabahagi nito sa mga mahihirap na lubos na nangangailangan ng tulong ngayon sa gitna ng pandemic na kinakaharap ng bansa ngayon.

Source: ENP

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW