Madalas natin naririnig ang kasabihan na 'Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.' Ito ay dahil madalas nakikita sa atin ng mga tao sa ating paligid ang pagkakahalintulad natin sa ating mga magulang, kahit pa man ito ay sa hitsura, pag-uugali, o katangian.
Ang mga personalidad at mga artista na madalas nating napapanood sa ating mga telebisyon ang isa rin sa mga nagpapatunay kung gaano katotoo ang kasabihan na ito. Minsan pa nga tayo ay magugulat na lamang dahil ang mga kilala at paborito pala nating mga aktor at aktress ay kabilang o kapamilya ng mga artista ng nakaraan.
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na isa ang clan ng mga Padilla sa pinakasikat at pinakamatagumpay na pamilya sa industriya ng showbiz. Hindi din maitatanggi na halos lahat ng kasapi sa pamilyang ito ay mga nagagandahan at naggwapuhan.
Kasama na dito ang sikat na action star na si Robin Padilla, si Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari, at si Romel Padilla.
Maliban sa kanila, ang ikatlong henerasyon din ng pamilya ng Padilla ay isa din sa mga sikat na aktor at aktress ngayon sa mundo ng showbiz.
Nandyan na nga ang sikat na actress na si Bela Padilla at ang hearthrob na si Daniel Padilla.
Hindi maikakaila na talaga nga naman ang clan ng mga Padilla ay isa sa mga mayroong good looks dito sa ating bansa. Kaya naman madami din sa atin ang nagtataka at nagtatanong kung ano nga ba ang hitsura ng head ng kanilang pamilya.
Kamakailan lamang, ibinahagi ng actress na si Kylie Padilla sa kaniyang social media account ang larawan ng kaniyang lolo na si Roy Padilla Sr. Madami naman sa ating mga netizens ang namangha dahil hindi maitatanggi ang angking kagwapuhan na mayroon ang dating governo ng Camarines Norte na tiyak ito ay ang siyang namana ng mga sumunod na henerasyon ng Padilla.
Ilan pa sa ating mga netizens ang nagsasabi na tila si BB Gandanghari ang mas nakakuha ng looks ng kanilang ama.
Ngunit, madami sa ating mga netizens ang lalong namangha nang makita nila ang hitsura ng nanay nila Robin noong ito ay bata pa lamang.
Sa larawan na ibinahagi ni BB Gandanghari sa kaniyang social media account, ipinakita niya kung gaano kaganda ang kanilang nanay na si Madam Eva Carino Padilla noong kabataan nito.
Sa naturang post, ipinahayag ni BB kung gaano na niya nami-miss ang kaniyang ina. Pinasalamatan niya din ito para sa lahat ng bagay at sakripisyo na ginawa nito para sa kanilang pamilya. Kalakip din ng kaniyang post ang pagbati sa kaniyang Mommy Eva ng Mother's Day.
Ilan naman sa ating mga netizens ang nagsasabi na tila hawig na ni BB Gandanghari ngayon ang kaniyang ina habang ang ilan naman ay nagsasabi na kahawig ni Madam Eva si Bela Padilla.
Source: TrendzPh