Isang buwang-taong gulang na sanggol, nagpositibo sa COVID-19


Noong Linggo, isang nakakalungkot na balita ang kinumpirma ng local officials ng Bataan na ang isang buwang taong gulang na sanggol mula sa Bataan province ay nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) matapos lumabas ang resulta nito.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Gov. Albert Garcia, sinabi niya na ang naturang sanggol ay ang bagong kaso na naitala na mayroong COVID-19 sa kanilang lugar. Tinatayang nasa 21 na katao naman ang kumpirmadong kaso ng naturang virus sa probinsya.


Nagbigay rin ng update si Garcia tungkol sa kalagayan ngayon ng mga COVID-19 patients sa kanilang probinsya. Doon nga ay kinumpirma niya na mayroon ng dalawang pasyente na mayroong COVID-19 sa kanilang probinsya ang namatay habang anim naman ang naka-recover mula sa naturang virus.


Samantala, ang isang-buwang taong gulang na sanggol naman ang naitalang pinakabatang nag-positibo sa COVID-19 sa bansa. Sa ngayon, mayroon ng apat na bata ang nagkaroon ng COVID-19 sa bansa, kasama na nga dito ang isang taong gulang na bata mula sa Oriental Mindoro, limang taong gulang na bata mula sa Nueva Vizcaya, at ang 13 taong gulang mula naman sa Quezon City.


Sa ngayon, pinag-iigiting pa rin ang enhanced community quarantine para sa bansa kung saan ito ay mas pinalawig pa ng Pangulong Rodrigo Duterte upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Maging ang ating mga checkpoint ay pinaghihigpitan na rin ang kanilang pagbabantay para sa mga entry at exit points ng bawat barangay sa bansa.

Pinagbabawal pa rin ngayon ang paglabas labas ng mga tao sa kanilang mga bahay, maliban na lamang kung sila ay mayroong bibilin na importante sa labas.

Patuloy rin ang pagbibigay paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na palaging maghugas at mag-alcohol ng kamay, magsuot ng mask tuwing umaalis o lumalabas sa kani-kanilang bahay at sundin ang social distancing na ipinatupad ng pamahalaan.

Umabot naman na sa 3,600 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa, kasama na dito ang 73 na naka-recover at 163 na namatay mula sa naturang virus.

Source: PF

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW