Sa ngayon, mahigpit na pinapatupad ang social distancing sa iba't ibang mga pamilihan upang maiwasan ang pagkalat ng C0VID-19. Dahil dito, mas nagiging mabagal ang proseso at kinakailangan din maghintay ng publiko ng para lamang mabili ang kanilang mga pangangailangan.
Ngunit, ang isang customer na ito ay nakatanggap ng batikos mula sa ating mga netizens matapos nitong i-kansela ang mga gamot na in-order sa isang Angkas rider na nagkakahalaga ng Php7,000.
Ayon sa post ng netizen na si Shiela Tibay na ibinahagi ng Facebook page na Pilipinas Trending Viral, ang Angkas rider na nakilala bilang si Kuya Aldwin ay naghintay ng matagal sa isang pamilihan ng gamot para lamang mabili ang pangangailangan ng kaniyang customer kung saan umabot nga ng Php7,000.
Kahit pa man matagal na oras kailangan maghintay si Kuya Aldwin para lamang makumpleto ang order, matiyaga lamang siyang naghintay hanggang sa makuha na niya ang mga ito.
Photo credit: Shiela Tibay/Facebook |
Photo credit: Shiela Tibay/Facebook |
Madami naman sa ating mga netizens ang nainis sa customer na nag-kansela ng order nito. Saad ng ilan, dapat ay hindi na ginagawa ito ng marami dahil hindi din ganoon kadali ang kailangan harapin ng mga Angkas o Grab driver para lamang mabili ang mga pangangailangan ng kanilang customer, lalo pa sa krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.
Photo credit: Shiela Tibay/Facebook |
Photo credit: Shiela Tibay/Facebook |
“Sya po si Kuya Aldwin, angkas/grab rider may umorder daw po sa kanya na worth 7k tapos kinancel lang po ng costumer.
Nagtyaga si kuya na pumila ng mahaba at matagal tapos hindi pa maibabalik yung puhunan nya, wala na tuloy sya pang byahe, luging lugi si kuya hindi na pwede ibalik sa drugstore yung nabili nya.
Kawawa naman.. para sa pamilya pa naman nya yung puhunan nya tapos lockdown na nga…
Naghahanap buhay ng marangal tapos pinagtripan lang ng walang kunsensya. Paki Share na lang po para matulungan natin sya na maibalik ang puhunan nya at makasuhan ang costumer…”
Source: Facebook