Minsan, aksidente nating nakakalimutan ang mga bagay na dapat nating gawin sa paaralan. May pagkakataon na aksidente nating nakakalimutan ang mga inuutos sa atin ng ating mga magulang. At may pagkakataon din na aksidente tayong nakakagawa ng isang bagay na maaaring makapag-contribute sa mundo ng teknolohiya na ating ginagalawan ngayon.
Katulad na lamang ng isang estudyante mula sa University of California, Irvine na aksidenteng natuklasan ang isang bagay na lingid sa kaniyang kaalaman ay maaaring magamit ng lahat.
Si Mya Le Thai ay kasalukuyang kumukuha ng doctoral degree sa University of California, Irvine. Siya ay gumagawa lamang ng kung anong mga eksperimento sa laboratory ng kanilang university nang bigla na lamang niyang makita ang mga rechargeable batteries at napagdesisyunan na paglaruan ang mga ito.
Ngunit, habang pinag-eeksperimentuhan ni Thai ito gamit ang iba't iba pang bagay, natuklasan na lamang niya na ang baterya pala na pinag-eeksperimentuhan niya ay maaaring mapataas pa ang buhay ng mga baterya mula sa 300 ay nagawa niya itong 200,000.
Gumamit si Thai ng nanowire sa eksperimento na kaniyang ginawa dahil ito ang magsisilbing suporta para sa buhay ng mga baterya. Matapos paglaruan pa ni Thai ang eksperimento at pagpatung-patunging ang mga gold nanowires sa manganese dioxide at Plexiglass-like eletrolyte gel, doon niya natuklasan na maaari pa nitong mapahaba ang buhay ng mga baterya sa tulong ng mga materyales na kaniyang ginamit.
Kadalasan, ang mga baterya ay gumagamit lamang ng mga ordinaryong nanowire kaya naman madalas ay mabilis lang masira ang mga ito. Ngunit, natuklasan ni Thai na maaari pang mapahaba ang buhay ng ordinaryong battery dahil sa eksperimento na kaniyang ginawa.
Nang subukan naman na niya ito, natuklasan niya na umabot na ito sa 10,000 cycles. Ngunit, hindi pa siya nakuntento dito kaya naman iniwan lamang niya ito ng ilang araw at nakabukas at nagulat na lamang siya dahil umabot na ito 30,000 cycles. Hindi niya din ito pinatay at umabot pa ito nang mahigit sa isang buwan.
Matapos nito, sibukan pa ni Thai na gamitin nang tatlong buwan ang kaniyang eksperimento kung saan ay umabot na ito 200,000 cycles.
Dahil sa bagong bagay na natuklasan na ito ni Thai, ang mga baterya ng laptop ay maaari nang tumagal hanggang 400 years.
Sa ngayon, patuloy pa din si Thai, kasama ang kaniyang team, sa paggawa ng proyektong ito. Iniisip din nila kung paano nila maaaring mapababa ang presyo nito. Hiling din nila na sana ay magkaroon pa ng mas murang alternatives silang magagamit sa paggawa nito nang sa gayon ay mailabas na din ito sa publiko.
Source: Elite Readers