Ang isang Macau casino tycoon at businessman na si Stanley Ho ay isa lamang sa mga Chinese national na nagnanais na magkaroon ng apo na lalaki dahil ang kaniyang mga apo ay puro babae. Labis din ang pagkadismaya na nararamdaman ni Stanley dahil kahit pa man mayroon siyang apat na asawa at labing pitong anak, wala sa mga ito ang nakapagbigay sa kaniya ng apo na lalaki.
Kaya naman ganoon na lamang ang tuwa ni Stanley nang malaman na siya ay magkakaroon ng ng lalaking apo mula sa anak niyang si Mario Ho at ang asawa nitong Chinese supermodel na si Ming Xi. Noong Oktubre 24 lamang, ipinanganak ang kauna-unahang lalaking apo ni Stanley na si Ronald.
Kaagad naging viral sa kanilang pamilya at social media ang balitang ito dahil bukod sa magandang balita na ito, binigyan ni Stanley ang kaniyang anak na si Mario ng nagkakahalaga ng 100 million yuan o mahigit na Php717 milyon bilang regalo nito sa kaniyang anak na siyang kauna-unahang nakapagbigay sa kaniya ng apo na lalaki.
Para kay Mario, ang perang ito na natanggap niya sa kaniyang ama ay napakalaki na, ngunit, para kay Stanley, ang perang regalo niya na ito ay wala lamang kumpara sa saya na kaniyang nararamdaman dahil sa wakas ay nagkaroon na siya ng lalaking apo matapos ang ilang taon na kaniyang paghihintay.
Lubos ang kasiyahan na nararamdaman ni Stanley ngayon dahil nakilala pa niya ang kaniyang kauna-unahang apo na lalaki sa edad na 98. Samantala, si Ronaldo naman ang nag-iisang lalaking apo sa kanilang henerasyon dahil puro babae lahat ng kaniyang mga pinsan.
Ayon naman sa isang report, bukod sa regalo na ito na natanggap nina Mario at Ming, sila ay nakatanggap pa ng 500 milyon yuan o $71 milyon noong sila ay nagpakasal tatlong buwan na ang nakakalipas.
Source: Buzzooks