Kilalanin si Francis Leo Marcos bago pa man siya maging kilala ngayon dahil sa napauso niyang 'Mayaman Challenge'
April 01, 2020
Naging laman ng social media ang philanthropist na si Francis Leo Marcos kamakailan lamang matapos niyang hamunin ang ilang mayayamang Pinoy na mamahagi ng tulong para sa mga mahihirap na Pilipino na nangangailangan ng tulong ngayon dahil sa enhanced community quarantine.
Si Marcos ang nagpasimula ng 'Mayaman Challenge', kung saan hinamon niya lahat ng mayayamang Pinoy sa bansa na mamahagi ng tulong sa mga Pinoy na apektado ng community quarantine.
Ngunit, sa likod nito, sino nga ba si Francis Leo Marcos at ano nga ba ang kaugnayan niya sa pamilyang Marcos?
Si Marcos ay ipinanganak noong Setyembre 29, 1979. Si Marcos ay nag-aral sa Massachusetts Institute of Technology sa Amerika. Siya ay anak ni Pacifico Marcos, ang nakababatang kapatid ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Bago pa man siya maging kilala at usapin ngayon sa social media dahil sa pinauso niyang 'Mayamang Challenge', si Marcos din ay kabilang din sa FM BC Production, kung saan kasama niya rin dito ang ilan sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz.
Si Marcos ay kasalukuyang namamahala sa Marcos Group of Companies. Maliban pa diyan, si Marcos ay kasalukuyan ring chairman ng Volunteer Against Povery Foundation Incorporated, kaya naman hindi rin nakakapagtaka kung bakit madalas namamahagi ng tulong si Marcos para sa mga mahihirap na Pinoy. Si Marcos din ang Chairman ng Optical Mission of the Oriental Perlinial Foundation.
Isa rin si Marcos sa miyembro ng isa sa mga fraternity na kilala sa bansa.
Si Marcos rin ay madalas nanghihikayat sa mga pulitiko na mamahagi ng tulong para sa kanilang nasasakupan, lalo pa sa krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon bunsod ng pandemic na C0VID-19.
Sa bago namang video na inilabas ngayon ni Marcos, makikita rin ang limpak limpak na sako ng bigas na ipapamahagi naman niya sa ilang parte ng Metro Manila katulad sa Payatas at Caloocan. Ipapamahagi niya rin ito sa mga estudyante na kasalukuyan ngayong nanatili sa kani-kanilang paaralan dahil sa hindi na nakauwi sa kanilang mga bahay dahil sa ipinatupad na community quarantine sa Luzon.
Hindi lamang yan, dahil taong 2002 pa lamang ay namamahagi na si Marcos ng tulong para sa mga mahihirap. Nang mga panahon na iyon ay hindi pa masyadong kilala si Marcos, ngunit, tila ngayon nais niya ng gisingin ang mga mayayamang Pinoy na mamahagi naman ng tulong para sa mga nangangailangan, lalo pa at mayroong krisis na kinakaharap ang bansa.
Sa kabila ng tulong na ibinibigay ni Marcos para sa mga Pinoy, may pagkakataon pa rin na siya ay nakakaranas ng problema katulad na lamang ng ilang mga netizens na nagbubura ng ilang videos niya sa kaniyang social media account at ang pagharang sa sasakyan na may dalang mga sako ng bigas na ipapamahagi sana niya sa mga tao.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Marcos para hindi ipagpatuloy ang tulong na ibinibigay niya sa mga tao bagkus naging motibasyon at inspirasyon niya ang mga ito para mas lalo pang tumulong sa mga nangangailangan.
Kahit pa man mayroong ilang netizens na ang tingin kay Marcos ay mayabang, marami pa rin sa kanila ang humahanga dito dahil sa pamamahagi nito ng tulong para sa mga Pinoy, lalo na sa mga nangangailangan.
Source: Youtube