Look: Isang nurse namahagi ng pagkain para sa mga homeless people habang siya ay papauwi


Kamakailan lamang, naging viral sa social media ang larawan ng isang nurse matapos nitong magpakita ng kabutihan sa mga tao na natutulog lamang sa kalye.

Kwento ng netizen na si Hafiz Marohombsar, inaya lamang daw siya ng kasamahan niyang nurse na maglakad pauwi sa kanilang bahay dahil hindi na nila naabutan ang free shuttle na magsasakay sana sa kanila pauwi sa kani-kanilang bahay. Pumayag din naman si Hafiz sa alok ng kaniyang kasamahan dahil isang oras pa naman silang maghihintay bago dumating ang susunot na free shuttle.


Inaya din si Hafiz ng kaniyang kasamahan kung maaari niya itong samahan sa convenience store na 7/11 para bumili ng ilang pagkain at tubig na ibibigay pala nito sa mga nadadaanan nilang mga tao na natutulog lamang sa kalye.


Inalok naman ni Hafiz ang kaniyang kasamahan kung maaari silang maghati sa mga magagastos na pambili ng pagkain at tubig, ngunit tinanggihan lamang daw ito ng kaniyang kasamahan dahil sinamahan naman na daw niya itong mamigay.


Ani Hafiz sa kaniyang post,

"I offered to pay half of the price but she refused, okay na daw na kasama niya ako namigay. She was even thankful kasi andun ako para tulungan siya magkarga ng mga pagkain."


Basahin sa ibaba ang kabuuang post ni Hafiz:

"Humanity does really exist. A simple gesture can define it.

I just got home fron a long walk with my colleague after our 3pm-11pm shift. Since our free shuttle left early and it would take about an hour before the next trip, my workmate convinced me to walk instead as she did it already for several times alone and was planning something a good idea.



So, she brought me to 7/11 first to buy some goods for the homeless people. Sabi niya sakin, ibibigay daw namin sa bawat taong madadaanan namin na natutulog sa kalsada. If magkulang daw, may 7/11 pa naman sa next street to buy additional food - which it really happened.



While we were buying food, sabi niya na sana di sila tinaboy ng mga officers sinced quarantined ang people. So, ayun na nga. Inisa-isa namin bigyan ang mga homeless people na nadadaanan namin until sa makarating kami sa kanto ng place niya. Nakabili pa kami ng additional food kasi nagkulang.


I offered to pay half of the price but she refused, okay na daw na kasama niya ako namigay. She was even thankful kasi andun ako para tulungan siya magkarga ng mga pagkain.



According to her, sa pangatlong beses niyang naglakad pauwi, she noticed maraming natutulog sa kalsada especially matatanda. Pano daw sila sa panahong ito? Pano sila nakakakain? Does someone even care about them during this crisis?

God bless her!"



Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang pumuri para sa ginawang kabutihan na ito ng nurse para sa mga tao na sa lansangan na lamang natutulog. Umabot na rin sa mahigit na 11,000 reactions at 5,300 shares ang naturang post.

Source: MT

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW