Look: Tatlong nurse sa Cebu City naaktuhang nagbibisikleta lamang papunta sa ospital na pinagtatrabahuhan


Matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon at iba pang parte ng bansa upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), lubos na ipinagbawal rin ang paglabas-labas natin sa ating mga tahanan, maliban na lamang kung tayo ay may bibilin na importante sa labas.

Maging ang mga pampublikong sasakyan ay pansamantala din munang ipinahinto ang operasyon. Dahil dito, marami sa atin ang naging apektado dahil karamihan sa atin ay hindi makapagtrabaho at makapaghanapbuhay.


Samantala ang ating mga frontliners naman ay ginagawa ang kanilang makakaya para mapagaling ang mga taong nagkaroon ng naturang virus, kahit pa man ang ibig sabihin nito ay kailangan nilang isakripisyo ang kanilang buhay.


Gayunpaman, naging viral sa social media ang larawan ng tatlong nurse na ito kung saan makikita na tanging bisikleta lamang ang gamit ng mga ito papunta sa ospital na pinagtatrabahuhan.

Ayon sa post ng netizen na si Aldo Nelbert Banaynal, ang tatlong nurse na nasa larawan ay papunta sa Chong Hua Hospital sa Cebu. Kwento ni Banaynal, una daw niyang napansin na tila magkakamukha ang bisikleta na gamit ng tatlong nurse kaya naman tinanong niya ang mga ito kung nirentahan ba ng mga ito ang bike na kanilang gamit.


Ngunit, sagot naman ng mga ito na ang bisikleta na kanilang gamit gamit ngayon ay ibinigay sa kanila ng isang abogado upang sila ay mayroong masasakyan pauwi sa kanilang mga bahay at papunta sa ospital.


Saad din ng tatlong nurse na kahit sila ay mayroong bus service, limitado lamang ang masasakay ng naturang bus at hindi rin sila nakakasakay dito dahil hindi nila ito naabutan dahil nga sa schedule ng duty nila sa ospital.

Ani Banaynal sa kaniyang post,

“Spotted Three frontliners (2 nurses and an orderly) braving to pedal the whole stretch of Talamban road. When they rested, i approached and asked them from which hospital theyre from. Im shocked to know that they came way back from Chong Hua in Fuente.”


Umani naman ng papuri ang mga medical workers na ito na sinasakripisyo ang lahat para lamang magampanan ang kanilang tungkulin at pagsilbihan ang kanilang mga kababayan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.


Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 54,000 reactions, 5,7000 reactions at 28,000 shares ang naturang post.

Source: Facebook

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW