Lumpia vendor na kumikita ng halos Php20k sa loob lamang ng isang linggo, hinangaan ng mga netizens


Naging viral kamakailan sa social media ang post ng isang netizen matapos nitong ibahagi ang malaking pera na maaaring kitain sa pagtitinda lamang ng lumpia.

Ayon kay Jomer, nakausap niya at nakakwentuhan pa ang isang nagtitinda ng lumpia kaya naman napag-alaman niya kung gaano kalaki ang maaaring kitain nito sa loob ng isang linggo.

Kwento ni Manong vendor, 600 na piraso ang tinitinda niyang lumpia sa loob lamang ng isang araw. Hindi din naman daw siya gaanong nagtatagal sa paglalako ng lumpia dahil mabilis din naman itong maubos dahil gustong gusto ito ng mga tao.

Nagkakahalaga naman ng 20 pesos ang presyo ng tatlong pirasong lumpia na tinitinda ni Manong vendor kaya kung pagsusumahin lahat ng 600 na piraso ng lumpia na kaniyang tinitinda kada araw ay aabot na ito ng 4,000 pesos.

Larawan mula kay Jomer Arañas
Sa loob naman ng isang linggong pagtitinda ni Manong vendor, aabot na sa Php28,000 ang kaniyang kikitain habang tinatayang Php112,000 ang kikitain ni Manong vendor sa pagtitinda ng lumpia sa loob ng isang buwan lamang.

Talagang malaki din ang kikitain ni Manong sa pagtitinda lamang ng lumpia sa daan na kung tutusin ay tila daig pa niya ang mga working professional na nagtatrabaho ng walong oras sa opisina habang naka-corporate attire at abala pa sa mga requirements na kailangan nilang ipasa.

Dahil dito, nagbiro pa si Jomer sa kaniyang post na tila nais niya na atang mag-shift ng career at magtinda na lamang din ng lumpia sa daan dahil sa laki ng pera na maaaring kitain ng isang lumpia vendor.

Samantala, ini-report naman ng netizen na si Jarynil Lao Burlado ang post na ito ni Jomer at sinabi niya na nagsilbing 'eye opener' sa kaniya ang ibinahaging post ni Jomer tungkol sa posibleng kitain sa pagtitinda lamang ng lumpia.

Saad ni Jarynil, importante din sa panahon ngayon ang mga extra income para mabilis na makaipon dahil hindi din naman sapat ang kinikita ng isang tao sa kanilang trabaho. Sa panahon din ngayon aniya ay kailangan talagang maging madiskarte ng isang tao sa buhay para makaipon.

Ani Jarynil,

“Diskarte over Career. Success is not a paper qualification anymore. EXTRA income is really a must para makaipon ka. WAG KANG AASA SA SAHOD, MASASAKTAN KA LANG.”

Madami naman sa ating mga netizens ang nagsasabi na hindi pa naman naisasama sa computation ang maaaring magastos para sa mga kailangan upang makagawa ng lumpia, ngunit, kung susumahin ito hindi din naman ganoon kalaki ang magagastos na pera pangbili sa mga ingredients at iba pang kailangan panggawa ng lumpia kaya naman tiyak na malaki pa din ang matitira sa kikitain ng isang lumpia vendor.

Larawan mula kay Jomer Arañas
Narito ang ilan sa komento ng ating mga netizens:

 “The labor is hard. I hate making it and cooking it. I’d rather buy.”

“Syempre may puhunan pa iyan. Gas, Mantika, gulay, wrapper atbp. Saktuhan lang din kita diyan. Hehe!”

“He makes more money doing this than people working 8-5 in an office. Henry Sy did the same fixing shoes and Gokongwei (Robinsons) selling peanuts on the street. The important part is the next step where do you put the money.”

Source: Facebook

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW