Kaya naman nakakahanga na makakita ng mga frontliners na sa kabila ng mga sakripisyo at hirap na pinagdadaanan, nagagawa pa din nilang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Katulad na lamang ng isang opisyal ng gobyerno na umani ng papuri mula sa ating mga netizens dahil sa pagpapakita ng malasakit sa dalawang lalaki na nakita niyang naglalakad sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa ilang parte ng bansa.
Sa naging panayam ni Police Corporal Nelly Cobol sa Net25, ibinahagi niya ang buong pangyayari sa video clip na in-upload niya sa kaniyang Facebook account sa kung paano ang naging tagpo nila ng dalawang lalaki. Kwento ni Cobol, nakita niya ang dalawang lalaki na nagngangalang sina Leonard Ignalan at Hermy Mungkal malapit lamang sa kanilang tabi.
Nang makita niyang umiiyak ang isa sa mga ito na si Tatay Hermy, kaagad niya itong nilapitan at tinanong kung anong problema. Sinabi naman ni Tatay Hermy na siya ay nagugutom na dahil hindi pa siya kumakain. Kaya naman binigyan ng tubig at pagkain ni Cobol ang dalawang lalaki upang makakain at kumalma din ang mga ito.
Doon din napag-alaman na taga-Zambales pa sila Tatay Hermy at umalis lamang ito sa kanilang pinagtatrabahuhan dahil pinabayaan umano sila ng kanilang pinagtatrabahuhan.
Matapos marinig ang kwento ni Tatay Hermy, hindi naman nag-atabuling magbigay ng tulong sila Cobol at ang mga pulis na kasama niya.
Maliban sa mga pagkain at tubig na kanilang binigay sa dalawang lalaki, sila din ay nag-ambag ambag para makapagbigay ng kaunting pera kila Tatay Hermy nang sa gayon ay mayroon itong maibigay sa kanilang pamilya.
Saad pa ni Cobol, binigyan din nila ng payo si Tatay Hermy na ito ay magpakatatag sa buhay dahil lahat ng mga pinagdadaanan natin ngayon ay pagsubok lamang.
Lubos ang tuwa at pasasalamat nila Tatay Hermy para sa pagmamalasakit at kabutihan na kanilang ginawa para sa kanila.
Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga at papuri sa kabutihang ginawa ni Cobol. Sa katunayan, ang video clip na ibinahagi niya kung saan makikita ang tagpo at pakikipag-usap niya kila Tatay Hermy ay umabot na sa mahigit na 4M views.
Panorin ang video:
Nakakatuwa lamang malaman na sa kabila ng mga batikos at pagkainis na natatanggap ng mga unipormadong tao ngayon, marami pa din sa kanila ang pinipiling magmalasakit, mamahagi ng tulong sa kapwang nangangailangan, at maging tapat sa kanilang serbisyo.
Source: YouTube