Naging viral sa social media kamakailan lamang ang matandang mag-asawa na ito mula sa Binangonan, Rizal dahil ang tanging inuulam na lamang nila ay ang chichiryang bangus simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sa post ng netizen na si Shang Marquez, ibinahagi niya ang hirap na pinagdadaanan ng mag-asawa kung saan halos araw-araw ay bumibili si Tatay Ricardo sa tindahan ng kaniyang biyanan ng dalawang piraso ng chichiryang bangus na nagkakahalaga naman ng isang piso ang bawat isa.
Dahil dito, napagpasyahan ng kaniyang pamilya na bigyan ng kaunting tulong si Tatay Ricardo at kaunting food supplies katulad ng kape, delata, asukal, bigas, at tinapay. Alam nila na hindi pa sapat para kila Tatay Ricardo ang kanilang ibinahaging food supplies para dito, ngunit ang ibinigay nila mula dito ay malaki ng tulong at tatagal na din ng ilang araw para sa pamilya Tatay Ricardo.
Photo from Shang Marquez |
"Pag hawak ni tatay don sa binibigay namin halos nanginig siya at nanghina sa sobrang tuwa."
Photo from Shang Marquez |
Pagbabahagi ni Shang,
"Eh matanda na si tatay tas hirap na din mag lakad mabagal na! Hindi na siya nakigulo don kahit walang wala na siya."
Photo from Shang Marquez |
Photo from Shang Marquez |
Noong sumunod na araw, binisita naman ni Shang si Tatay Ricardo upang kamustahin ito at itanong na din dito ang kanilang mga pangangailangan at ang kalagayan nila sa ngayon.
Sinabi ni Tatay Ricardo na talagang kapos at wala silang pera ngayon pambili ng kanilang pagkain. Kaya naman tanging bangus na chichirya na lamang ang kanilang inuulam dahil iyon lamang ang kayang mabili ng kanilang pera.
Photo from Shang Marquez |
Photo from Shang Marquez |
"Totoong bangus na ang maluluto mo."
Sinamahan din ni Shang ang mag-asawa sa isang grocery store upang tulungan ang mga ito na bumili ng kanilang pagkain at ilang pang mga pangangailangan sa kanilang bahay. Bumili din sila ng water dispenser, gasul, thermos, stove, ilang mga kawali, at iba pang mga gamit sa kusina.
Saad ni Shang
"Maraming marami pong salamat sa inyong mga nagbigay at tumulong."
Dagdag niya,
"God bless po sa inyo. Sobra sobra po ang tuwa nila tatay at nanay."
Source: GMA