Talaga nga namang mahirap ang pinagdadaanan ng ating mga frontliners ngayon, maliban sa hindi man lamang nila mayakap o malapitan ang kanilang pamilya, ang kanilang buhay din ay nakalagay sa panganib dahil sila ay nae-expose sa mga C0VID-19 patients. Gayunpaman, nananatili silang matatag at nagpapatuloy lamang sa kanilang serbisyo upang malabanan ang C0VID-19.
Kaya naman nakakahangang makakita ng mga frontliners na sa kabila ng hirap at sakripisyo na pinagdadaanan, nagagawa pa din nilang makapagbigay ng tulong para sa mga kapwang nangangailangan.
Katulad na lamang ng mag-asawang frontliner na ito mula sa Appari, Cagayan na hinangaan ng maraming netizens dahil sa kabila ng hirap at sakripisyo na kanilang dinaranas, sila ay nagbibigay pa din ng kaunting tulong at mga relief goods sa kanilang barangay sa tuwing mayroon silang libreng oras.
Ibinahagi naman ng netizen na si Herson Allayban Raquino ang kabutihang ipinakita ng mag-asawa na sina Sgt. Archie Banastas at ang asawa nitong si Fire Officer 2 May-Ann Banastas sa kanilang nasasakupan.
Kwento ni Herson sa kaniyang post, si Archie ay nakatagala sa Aparri Municipal Police Station habang ang kaniyang asawa naman ay nakadestino sa Appari Municipal Fire Station.
Saad din ng netizen, hindi biro ang trabaho ng ating mga kapulisan, lalo na ngayon na mayroong umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang parte ng bansa, ngunit hindi ito naging hadlang asa mag-asawa para magbigay ng tulong at mga relief goods sa kanilang barangay. Maliban pa diyan, mayroon ding pinapamigay na mga prutas at gulay ang mag-asawa.
Saad ni Herson sa kaniyang post,
"Despite the hectic duty as frontliners, they were able to come up with the plan to help those heavily affected by the Luzon lockdown by providing them relief packs & sort of vegetables. According to the couple the highest calling for a person is to serve the greater good of humanity."
Dagdag ni Herson, natutuwa din siyang malaman na sa kabila ng mga batikos at pagkainis na natatanggap ng mga unipormadong tao ngayon, marami pa din sa kanila ang pinipiling magbigay ng tulong at maging tapat sa kanilang serbisyo.
"It’s just nice to know that even though a lot of people are annoyed with uniformed personnel nowadays, there are still plenty of officers like them who are helpful and honest at their jobs."
Samantala, marami sa ating mga netizens ang pumuri at nagpahayag ng kanilang paghanga sa kabutihang ipinakita ng mag-asawang frontliner.
Narito ang ilan sa komento ng ating mga netizens:
"You both are a blessing. good job & more blessings to come."
"very much appreciated,god will always pays the goodness in your hearts,may god blesses u and your family,"
“Thank you lovely couple for extending help, love and care to our fellow Aparriano. May the Lord bless you more.”
Source: Facebook