Isa ang mga hayop sa lubos na apektado ngayon ng enhanced community quarantine na umiiral sa ating bansa upang maiwasan ang pagkalat ng C0VID-19. Dahil dito, hindi na din gaanong kadalas nakakakain ang mga stray animals dahil wala na ang mga taong nagbibigay sa kanila ng pagkain.
Kaya naman naisipan ng mag-ina na ito sa Bulacan na maglibot sa kanilang lugar upang bigyan ng makakain ang mga stray dog at cat na kanilang makikita sa daan.
Kwento ng netizen na si Jhec Victoria sa Facebook page na Born to Be Wild, sila ng kaniyang ina ay naglalakad mula Pulilan hanggang Plaridel upang bigyan ng inumin at pagkain ang mga stray cat at dog na kanilang nakikita sa kanilang paglalakad.
Nilinaw naman ni Jhec na silang mag-ina ay sumailalim sa briefing tungkol sa C0VID-19 protocol at sila din ay mayroong permit na nagsasaad na sila ay pinahihintulutan sa kanilang gingawa.
Imahe mula sa Facebook|Jhec Victoria |
Saad sa isang note,
“Sila ay nalulungkot, naiinitan, natatakot, at nagugutom gaya mong tao. ‘Wag mo sanang kuhanin at pag-interesan ang nirecycle na lalagyan pati mga pagkain at inumin nitong laman.”
Imahe mula sa Facebook|Jhec Victoria |
“Gutom, uhaw, kanila ring nararamdaman kaya paunawa! Ang pagkain at inuming ito ay para sa aso. Tao ka kaya hindi ito para sa iyo.”
Imahe mula sa Facebook|Jhec Victoria |
Ani Jhec sa kaniyang post,
“Sabi nila bakit daw labas nang labas, hayop ‘lang’ naman pala pinupuntahan. Unfair talaga ang mundo para sa mga katulad ninyo. Sino ba naman ang ayaw manahimik sa bahay? Ang sarap mamahinga, manood ng TV, kain, at tulog pero kung yun ang iisipin, paano naman sila? [Lalo na] kung walang ibang taong magkukusa.”
Nagpahayag din naman si Jhec ng para sa mga tao na patuloy pa din ang pagbibigay ng suporta sa kanila at pagbibigay din ng donasyon na pinambibili naman nila ng mga supply na pagkain para sa mga stray animals.
Saad ni Jhec,
“Salamat po sa lahat ng mga mabubuting pus0. Pinrovide man namin ang una at pangalawang linggo, bago tuluyang maubusan ay tinulungan ninyo po kaming makapagpatuloy sa pagpapakain ng mga aso at pusa.”
Source: Facebook