Magsasaka mula sa Ilocos Norte, binigay ng libre ang gulay na pinitas para sa mga frontliner


Karamihan sa ating kababayan ngayon ay lubos na apektado ng enhanced community quarantine na umiiral sa buong Luzon at iba pang parte ng bansa, kaya naman nakakatuwang isipin na bawat isa sa ating mga Pilipino ay nagpapakita ng bayanihan at nagtutulungan sa gitna ng C0VID-19 krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.

Katulad na lamang ng kabutihang ipinakita ng magsasaka na si Rasel Reondes mula sa Ilocos Norte na kahit hirap sa buhay at nangangailangan din ng tulong ay mas pinili nitong mamahagi ng tulong para sa kaniyang kapwa.

Sa post ng netizen na si Aldwin Chan Domingo, sinabi niya na naantig talaga ang kanilang puso sa ginawa ni Rasel matapos nitong pitasin ang bunga ng malunggay at saluyot na pananim nito upang ibigay sa mga frontliner. Ayon naman sa ulat ng Inquirer, ang mga gulay na pinitas nito ay isa sa mga pangunahing sangkap na kailangan para sa 'Dinengdeng', isang Ilocano Dish.



Humanga din si Aldwin kay Rasel dahil kahit pa man hirap sa buhay, mas pinili pa din nitong magbigay ng simple at kaunting tulong para sa ating mga frontliners. Kahit pa man tirik na tirik ang araw at tanging bisikleta lamang ang gamit ni Rasel upang ibigay ang mga gulay na kaniyang napitas sa mga frontliners sa kabilang barangay, binalewala lamang ito ni Rasel dahil mas nangingibabaw sa kaniyang puso ang mamahagi ng tulong.

Saad ni Aldwin,

“Naantig nang husto ang aming damdamin sa iyo, anak, dahil ang akala namin ay iiwan mo lang pero ibibigay mo pala ito sa mga frontliners. Yung sakripisiyo mong kumuha ng bunga ng malunggay at saluyot kahit tirik yung araw at ihatid sa amin gamit lamang ang iyong bisekleta.”

Dagdag niya,

“Hindi namin masusuklian yung ginawa mo, anak. Kahit hindi ka taga Barangay 14, alam mong tumulong kahit parehas tayong kapos sa buhay.”

Pagpapatuloy ni Aldwin,

“Nagpapasalamat kami nang husto sa’yo at sa bumubuo ng iyong pamilya. Nawa’y bigyan kayo ng Panginoon ng lakas at sigla.”



Samatala, marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa kabutihang ipinakita ni Rasel. Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Ang bait naman. He has a golden heart. In this situation, he did not even think about himself.”


“Nakakaproud talaga kapag yung kapwa mo mahirap ang gumagawa ng mga ganitong kabuting bagay. Mamamangha ka na lang talaga dahil kahit walang wala ay hindi nakakalimutan tumulong.”


Source: Facebook

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW