Martin Dino, ipinakita na ang mga barangay officials na tatamad-tamad sa kanilang trabaho, "Lagot kayo sa Pangulo!"
April 06, 2020
Binalaan ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya ang mga barangay officials na ayaw gawin ng maayos ang kanilang trabaho at hindi sumusunod sa pinaguutos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa paghihigpit sa kanilang komunidad dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine para maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.
Saad ni Malaya,
“Iyong iba po imbes na gumalaw, nasa social media, kung anu-anong sinasabi. Pero iyong iba naman, noong isang araw pa may purchase request para gumalaw na, nag-procure na at mayroon na silang sorting and preparation of food packs.”
Sinabi rin ni Malaya na ipapatawag nila ang mga barangay officials na nai-report sa kanila na tatamad tamad at ang mga ito ay may posibilidad na maharap sa kaso kapag natapos na ang COVID-19 krisis na kinakaharap nga ating bansa.
Dagdag ni Malaya, kahit pa man ayaw nilang gawin ang ganitong uri ng aksyon, kailangan nila itong gawin nang sa gayon ay maturuan ng leksyon ang mga barangay officials na babagal bagal sa serbisyo na kanilang ginagawa para sa komunidad at ang hindi nila pagseryoso sa enhanced community quarantine na ipinatupad ng pamahalaan.
Ani ng DILG official,
“We do not want sana to do this, pero hindi po talaga maganda ang naririnig namin sa ilang mga kapitan na parang pabaya, hindi po nila siniseryoso itong ating enhanced community quarantine.”
Sinabi pa ni Malaya na sana ay imbis na magsocial media ang ilang mga barangay officials, dapat ay gawin muna nila ng maayos ang kanilang trabaho at tungkulin sa kanilang komunidad bago sila magreklamo sa mga nangyayari ngayon sa kanilang mga social media accounts.
Samantala, sa pahayag naman na inilabas ng Local Government Units (LGUs), sinabi nila nararapat lamang din naman na gawin ng mga barangay officials na gamitin ang kanilang 'quick response funds' para makapagbigay ng pagkain sa kanilang mga sinasakupan sa unang linggo pa lamang simula nang magsimulang ipatupad ang lockdown sa bansa.
Panoorin ang video:
Source: PSH