Marami sa ating mga netizens ang naantig sa kwento ng mag-asawang matanda na nakatira lamang sa isang barong-barong na bahay sa Maguindanao na hindi iniwan ang isa't isa sa kabila ng hirap ng buhay na pinagdadaanan.
Makikita sa larawan na ibinahagi ng netizen na si Jerry T. Ledesma ang nakakaawang kalagayan ng mag-asawa. Kahit pa man sila ay matanda na at nakakaranas ng hirap ng buhay, pinili pa din nilang manatili sa piling ng isa't isa sa kanilang munting tahanan dahil ayaw umano nilang maging pabigat at dumagdag pa sa problema ng kanilang mga anak.
Naantig si Ledesma sa kwento ng mag-asawang ito kaya naman naisipan niya ding ibahagi ang kalagayan ng mga ito sa social media at manawagan sa mga netizens na sana ay mabigyan ng kaunting tulong ang mag-asawa na hindi na niya pinangalanan.
Larawan mula kay Jerry T. Ledesma |
Larawan mula kay Jerry T. Ledesma |
Ani Ledesma,
“Sana ay matuunan natin ng pansin at matulungan man lang sila kahit sa pamamagitan ng pagshare ay malaking tulong na po para makarating sa kinauukulan. Sila ay nakatira sa Barangay Damaklit, Paglat, Maguindanao.”
Larawan mula kay Jerry T. Ledesma |
Larawan mula kay Jerry T. Ledesma |
Marami naman sa ating mga netizens ang naantig at naawa sa kalagayan nila Lolo at Lola. Ilan sa kanila ang nagtatanong kung nassaan ba ang mga kaanak o ang mga anak ng dalawa.
Komento ng isang netizen,
“May mga anak pa po ba ‘yan? Kawawa naman. Nakakadurog ng puso. Dapat sa kanila ay inaalagaan.”
Sa kabilang banda, isang netizen naman ang bumisita din sa mag-asawa upang tignan ang kalagayan ng dalawa at magbigay na din ng kaunting tulong. Kwento ng netizen, may problema na si Lolo sa pandinig, ngunit sa kabila nito, hindi iniwan ng mag-asawa ang isa't isa. Ani pa ng netizen, kahit pa man matanda na ang dalawa palagi pa din nasa tabi ni Lola si Lolo kahit ano pa man ang ginagawa nilang dalawa.
Ani ng netizen,
“Sobrang sweet ni Lolo kay Lola, habang may ginagawa si Lolo nasa tabi lang siya ni Lola.”
Source: The Daily Sentry