Mayor Isko, pumunta sa Caloocan City upang turuan ng leksyon ang mga tiwaling barangay officials


Noong Sabado lamang ng hapon, Abril 11, personal na pumunta si Mayor Isko Moreno sa Barangay 129 sa Caloocan City upang makita at makausap ng harapan ang kapitan ng naturang barangay na si Briz John Rolly Reyes at ang mga kagawad na kasama nito na sina John Cris Domingo, Alfie Lacson, at Romualdo Reyes.

Ang mga nabanggit na mga barangay officials ay ang mga namuno umano sa sabong na naganap noong Abril 10 sa Manila North Cemetery.


Nakarating naman ang balitang ito kay Mayor Isko at mas lalong nagalit ang alkade ng lungsod ng Maynila nang malaman na marami pang mga tao ang nagpunta sa nasabing tupada kahit pa man lubos na pinagbabawal ngayon ang mass gathering dahil sa umiigting ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ipinaalam naman ni Mayor Isko sa mga residente ng naturang barangay ang kasalanan na nagawa ng kanilang barangay captain sa pamamagitan ng kaniyang public-address system.

Ani ng alkalde,

“Gusto ko lang malaman ninyo na binibigyan namin kayo ng pagkakataong magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Aaraw-arawin namin kayo dito. Sa mga magkakapatid-bahay, ang inyong chairman na si Brix John Rolly Reyes, hinahanap ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Sila ang mga bida sa sabong sa North Cemetery na pag-aari ng pamahalaang lunsod ng Maynila. Ito po ang alkalde ng lungsod ng Maynila na nakikiusap sa inyo kung meron kayong impormasyon sa inyong chairman. Kung kamag-anak niyo si chairman, sabihan niyo silang kusang-loob na magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Ito ang alkalde ng lungsod ng Maynila, pumapasyal sa inyo."


Tinawag din ni Mayor Isko ang mga naturang barangay officials na 'walanghiya' at 'hangal' dahil sa ginawang pangbabastos umano ng mga ito sa batas at sa Semana Santa. Ani Mayor Isko hindi din sila titigil hangga't hindi nagpupunta sa kanilang tanggapan ang mga nasabing barangay officials upang magpaliwanag sa kanilang nagawa. Binigyan din ng alkalde ang mga ito ng 48-oras para pumunta sa kaniyang tanggapan at magpaliwanag.

Saad ni Mayor Isko,

"Buong kababaang-loob, isuko niyo na si Chairman, si Kagawad... lahat kayo. Binibigyan ko kayo ng pagkakataon, kami'y nananawagan at nakikisuyo sa inyo. Huwag na tayong magkahiyaan pa. Mga halal kayo ng bayan, pasimuno kayo sa sugal, wala kayong patawad. Kahit Semana Santa, Biyernes Santo, aaraw-arawin namin kayo dito hangga't hindi kayo nagpapaliwanag sa pamahalaan ng lungsod ng Maynila. Mga halal kayo ng bayan, mukha kayong hangal. Huwag na kayong magtago sa Pangasinan, Hindi namin kayo titigilan."


Source: CE

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW