Nanay ni Angel Locsin agaw pansin ngayon sa social media


Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat kung gaano din ka-abala ang mga actor at actress sa kanilang trabaho kaya naman may pagkakataon na mas natutuon ang kanilang oras sa kanilang trabaho at sandaling oras na lamang ang nalalaan nila sa kanilang pamilya.

Malibang pa diyan, lahat ng mga tinatamasa nila ngayon, kahit pa man ito ay kasikatan o kayamanan, ay maaaring hindi din permanente at maaaring mawala sa kanila sa isang iglap lamang. Kahit pa man ang ilan sa kanilang mga sikreto ay kumakalat sa publiko na nagiging sanhinang pagharap nila sa problema at kontrobersiya.


Gayunpaman, mayroon pa din namang ilang celebrities na napapanatili ang pagiging pribado ng ilang kaganapan sa kanilang buhay sa kabila ng pagiging sikat.



Hindi maitatanggi na isa ang actress na si Angel Locsin sa pinakakilala at inspirasyon ng marami ngayon. Para sa mga tagasuporta at tagahanga ng actress, maituturing na ang buhay ni Angel ay isang open book para sa kanila. Madami din sa atin ang talagang sinusubaybayan ang kaganapan sa buhay ng actress, kahit pa man noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng showbiz hanggang sa kaniyang love life.


Si Angel ay kilala bilang isang mapagmahal at maalagang anak at kapatid sa kaniyang pamilya. Maliban sa pagiging magaling na actress, si Angel ay isa din sa mga personalidad na mayroong mabuting puso at palaging nagmamalasakit sa kapwa.



Hindi din naman maitatanggi kung gaano kalapit si Angel sa kaniyang ama at sinabi na nga din ng actress ang isa sa mga rason kung bakit pinili niyang pumasok sa industriya ng showbiz. Madalas din nating makikita sa kaniyang mga social media accounts kung gaano kaimportante at kamahal ni Angel ang kaniyang ama.

Marami sa mga netizens ang natutuwa at nagagalak dahil sa espesyal na pakikitungo ni Angel sa kaniyang ama. Ngunit, mayroon namang ilang netizens ang nagtataka at nagtatanong kung nasaan nga ba ang nanay ng actress at anong uri ang relasyon ni Angel sa kaniyang ina.



Ngunit, ang katanungan na ito ng marami ay nasagot na ng actress dati pa man. Sa naging panayam noon ni Angel sa PEP.ph noong taong 2017, ibinahagi ni Angel kung ano ang personalidad at kung gaano kabuti ang kaniyang ina. Inamin din ng actress na nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang, ngunit hindi ito naging hadlang para mabago ang uri ng relasyon na mayroon si Angel sa kaniyang ina.

Saad ng actress,

“Ang hindi namin itinatago is the fact na matagal na silang hiwalay ng Dad ko,”


“Nagdadalaga pa lang ako, talagang wala na sila sa isa’t isa.


“Naintindihan naman namin ‘yon dahil ‘yon naman ang gusto nila. Iyon na ang napagkasunduan nila at nirerespeto namin ‘yon.”





Dagdag ni Angel, naiintindihan niya ang desisyon na ginawa ng kaniyang mga magulang at nirerespeto niya ito. Alam din nilang hindi na maaari pang makapagsama ang kaniyang mga magulang kaya tanggap naman na nila ito. Ngunit, sa kabila nito, nananatili pa din buo ang kanilang pamilya na laging nakasuporta sa isa't isa.

“Ang sa akin lang, sana sa kung anumang gulo sa buhay ko na may kinalaman sa trabaho ko, ‘yon na lang ang maging isyu o sentro.

“Kasi ang Mama at Dad [Mr. Angel Colmenares] ko, talagang hindi na puwedeng magkasama.”


“Tanggap na namin ‘yon. But in spite of that, buo pa rin kami bilang pamilya.”


“Na pag may isang nasaktan o nagkaproblema, lahat kami, e, nakasuporta.”


Nabanggt din ng actress na kahit pa man hindi niya ganoong kadalas nakikita ang kaniyang nanay na si Mommy Emma Colmenares, nananatili pa din ang pagmamahal niya nito at walang nagbago sa uri ng relasyon na mayroon sila sa isa't isa.

“Oo, walang trabaho ang Mama ko at sinusuportahan ko siya. Dahil ako na rin ang may gusto na huwag na rin siyang magtrabaho.”

“Although mas close ako sa tatay ko at siya ang lagi kong nakakasama at sa akin siya naka-tira, hindi ibig sabihin no’n na pinababayaan ko na ang Mama ko.”


“Mahal ko ang taong nagbigay sa akin ng buhay dito sa mundo.”


Kahit pa man maituturing na open book para sa marami sa atin ang buhay ni Angel, makikita pa din natin na nais ni Angel na respetuhin ang pagiging pribado ng ilang nangyayari sa kaniyang buhay, lalo na kung ang usaping ito ay tungkol sa kaniyang mga magulang.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW