Narito pala ang pinakamahal at engrandeng kasal na nangyari sa bansa


Isa ang kasal sa maituturing na pinaka-espesyal at memorable na araw para sa buhay ng magkasintahan. Kaya naman madaming mga magkasintahan na nais maging maayos at perfect ang kanilang kasal. Madalas ay binubuhos nila ang buong atensyon at effort nila dito para masiguro na walang mangyayaring kahit ano at magiging smooth lamang ang kanilang kasal. Mula sa venue at mga pagkain ay talagang inaayos nila ng mabuti nang sa gayon ay maging komportable din ang kanilang mga guests.

Narito naman ang listahan ng mga pinakamahal at engrandeng kasal na nangyari sa bansang Pilipinas:

1. Ferdinand Marcos and Imelda Romualdez



Hindi lamang isang beses kung hindi dalawang beses nagpakasal ang dating presidente ng bansa na si Ferdinand Marcos at ang model at fashion designer na si Imelda Marcos. Dinaos ang civil wedding ng dating presidential couple sa Baguio City. Matapos nito, magkaroon pa ng elegante at engrandeng kasal na ginanap naman sa Pro-Cathedral of San Miguel sa Manila ang dalawa noong Mayo 1, 1954. Tinatayang nasa Php16 milyon ang nagastos ng dating presidential couple sa kanilang kasal.

2. Yong Larrazabal at Donna Cruz



Ang recording artist at actress naman na si Donna Cruz at ang kasintahan nito na isang ophthalmologist sa Cebu na Potenciano 'Yong' Larrazal III ay nagpakasal noong Setyembre 19, 1998. Ang kasal ng dalawa ay ginanap sa Basilica de San Sebastian Church sa Manila habang ang reception naman ng kanilang kasal ay ginanap sa Manila Hotel. Ang kasal ng dalawa ay tinuturing na isa sa pinakaengrandeng kasal sa bansa kung saan gumastos ang dalawa ng nasa Php24 milyon.

3. Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez



Nagpakasal ang dating beauty queen at actress na si Ruffa Gutierrez at negosyanteng si Yilmaz Bektas noong Mayo 25, 2003. Tinatayang nasa Php27 milyon naman ang nagastos ng dalawa sa kanilang kasal.

Sina Ruffa at Yilmaz ay nagkaroon naman ng dalawang anak. Ngunit, makalipas ang ilang taon na pagsasama, ang dalawa ay naghiwalay noong Mayo 8, 2007. Ngunit, ang kustodiya ng kanilang anak ay nanatili naman sa panig ni Ruffa.

4. Vic Sotto at Pauleen Luna



Ang celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay nagpakasal noong Enero 30, 2016 matapos ang mahigit na apat na taon na pagiging magkarelasyon. Tinatayang nasa Php83 milyon ang nagastos ng dalawa para sa kanilang kasal. Ang kasal naman ng celebrity couple ay ginanap sa St. James the Great Parish Church sa Alabang. Sina Pauleen at Vic ay biniyayaan naman ng isang anak na si Baby Talitha.

5. Assunta de Rossi at Jules Ledesma




Ang actress na si Assunta de Rossi ay kinasal kay Negros Occidental First District Rep. Julio “Jules” Ledesma IV noong Marso 14, 2004. Tinatayang nasa Php97 milyon ang nagastos sa kanilang kasal.

6. Hayden Kho at Vicki Belo



Ginanap ang civil wedding ng TV personality at dermatologist na si Vicki Bello at model na si Hayden Kho noong Hunyo 23, 2017. Makalipas ang ilang buwan, nagkaroon naman ng engrandeng kasal ang dalawa na ginanap sa Paris noong Setyembre 2, 2017 kung saan ito ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa industriya ng showbiz. Ang engradeng kasal ng dalawa ay tinatayang nasa Php500 milyon.

7. Aga Muhlach at Charlene Gonzales




Ang celebrity couple na sina Charlene Gonzales at AGA Muhlach ay kinasal sa St. Joseph the Worker Parish sa Baguio City noong Mayo 28, 2001.

8. Gabby Goncepcion at Sharon Cuneta




Sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay nagpakasal sa Manila Cathedral Church noong Setyembre 23, 1984. Ngunit, hindi din nagtagal ang pagsasama ng dalawa dahil sa ilang mga hindi pagkakaintindihan. Makalipas ang tatlong taon ng kanilang kasal, napagdesisyunan ng celebrity couple na maghiwalay na.

9. Dingdong Dantes at Marian Rivera




Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes naman ay nagpakasalsa Immaculate Conception Parish Church Cubao noong Disyembre 20, 2015. Ginanap din ang kanilang reception sa Mall of Asia Arena na dinaluhan naman ng mga kilala at sikat na personalidad sa industriya ng showbiz.

Source: TrendzPh

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW