Netizens, naantig sa larawan ng isang lalaking buhat-buhat ang isang lolo upang isalba sa sunog na nangyari sa kanilang lugar


Kung isang malaking pagsubok at problema na para sa karamihan sa atin ang dinaranas natin ngayon dahil sa enhanced community quarantine na patuloy na umiiral sa ating bansa, para naman sa ilan sa ating kababayan, mayroon pang mga problema at pagsubok ang kanilang pinagdadaanan na talagang namang susukat sa iyong pananalig at katatagan sa buhay.

Sa ngayon, mahigpit na sinasabi ng pamahalaan sa bawat isa sa atin na manatili na lamang tayo sa ating mga tahanan, kung wala namang importanteng gagawin o lakad sa labas. Ngunit, ang iba sa ating kababayan ay tila mahihirapan na itong gawin ngayon matapos matupok ng apoy ang kanilang mga bahay.

Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, nakakalungkot lamang isipin na madalas pa ding nagkakaroon ng sunog sa iba't ibang bahagi ng ating bansa ngayon.

Larawan mula sa Facebook post ni Marivic Tribiana
Ngunit, ang isang larawan na kumakalat ngayon sa social media ay isa lamang patunay na sa kabila ng mga pagsubok at problema na ating pinagdadaanan ngayon sa buhay, mayroon at mayroon pa din tayong makikitang pag-asa upang lumaban at bumangon muli.

Marami sa ating mga netizens ang naantig sa larawan na ibinahagi ng netizen na si Marivic Tribiana sa kaniyang Facebook account kung saan makikita ang isang binata na buhat buhat ang isang matandang lalaki para lamang mailikas agad ito sa sunog na nangyari sa kanilang lugar.

Makikita sa background ng larawan ang ilang mga residente na bitbit bitbit ang mga natirang gamit sa kanilang bahay, ngunit ang lalaking ito ay mas piniling unahin isalba ang matandang lalaki.

Hindi naman nasabi pa ng netizen sa kaniyang post kung kailan naganap at kung saan nangyari ang sunog. Ngunit, marami pa din sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga dahil sa pinakitang kabutihan at pagmamalasakit ng lalaki sa matanda.

Ani Marivic sa kaniyang post,

“Tama ‘yan Kuya… Mas inuna mong iligtas ‘yung matanda.”

Kaagad naman naging viral sa social media ang post na ito ni Marivic kung saan umabot na ito ngayon  sa mahigit na 16,000 reactions at 10,000 shares.

Isang netizen naman ang nagkomento sa viral na larawan kung saan sinabi nito na ang lalaki sa larawan ay kapitbahay lamang nila at ang matanda na buhat nito ay ang kaniyang ama. Gayunpaman, madami pa din sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang papuri para sa ginawa ng lalaki sa matanda, kahit pa man sino ang matandang buhat nito.


Komento ng isang netizen,

“Wow lang… Respeto ko sa’yo kuya, napakataas. Kaya sa mga anak diyan na may mga magulang pa, mahalin n’yo sila kasi kapag nawala sila, hanap-hanapin n’yo sila.”

Source: Facebook

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW