NPA, ninanakaw ang mga food supplies na nakalaan sa mga apektado ng kinakaharap na krisis ng bansa ngayon


Noong Martes lamang ng umaga, Abril 7, naiulat na tinatayang nasa 30 kasapi ng New People's Army (NPA) o tinatawag din na Communist NPA Terrorists (CNTs) ang sumalakay sa Sitio Bangon, Barangay Guinmayohan, Eastern Samar para nakawin ang mga relief goods na ibibigay sana para sa mga residente sa naturang lugar.

Ayon sa pahayag ng ilang mga nakasaksi sa pangyayari, bigla na lamang daw mayroong sumulpot na mga NPA, kung saan ito ay pinamumunuan ni Gavino Guarino o mas kilala sa tawag na Mael, habang nagbibigay ang mga barangay officials ng mga relief goods sa mga pamilya na lubos na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).


Dahil sa ginawang pagnanakaw ng mga rebeldeng komunista sa naturang barangay, nabawasan tuloy ang mga food supplies na nakalaan sana para sa mga residente ng barangay.

Base naman sa ilang ulat, inaalam umano ng NPA ang mga distribution points na magpapamahagi ng mga relief goods para sa ating kababayan na apektado ng COVID-19 krisis at habang nagpapamahagi ang mga ito, doon sila sasalakay at kukuhanin ang mga relief goods na para sa mga tao.

Kung ating matatandaan, noong Abril 7 din ay nakalaban ng mga militar ang ilang NPA sa Barangay Lakandula, Las Navas Northern Samar matapos magsumbong ang ilang mga residente sa mga militar na nagbabantay sa kanilang lugar dahil puwersahang kinukuha ng mga rebeldeng komunista ang mga food supplies na nakalaan para sa kanilang lugar.


Ani Commander of 801st Infantry Brigade Colonel Camilo Z. Ligayo,

"This is a time to help our people and not to add to their burden. What the NPA did is pure robbery during the Holy Week. These terrorists who believe in no god robbed the poor people of their food in this time of Covid-19 crisis. We condemn this dastardly act of the NPA in Northern and Eastern Samar, and we assure our people that your soldiers will bring these criminals to justice. To the NPA, stop oppressing the people."

Samantala, hindi lang ito ang unang beses na gumawa ng masama ang NPA habang mayroong COVID-19 krisis na kinakaharap ang ating bansa. Kung ating matatandaan, umatake din ang mga rebeldeng komunista noong sinasagawa ang COVID-19 awareness effort kung saan nam4tay nga sa pangyayaring ito si Private First Class Mark Nemis.

Source: CE

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW