Umani ng papuri ang netizen na si Jemmer Tasing Tagure matapos nitong mamahagi ng tulong para sa kaniyang mga kababayan sa Benguet.
Sa post ni Jemmer sa kaniyang Facebook account, sinabi niya na siya ay mamamahagi ng ilang sako ng bigas at pera na nagkakahalaga ng Php50,000 sa kaniyang nasasakupan sa Kabayan Barrio, Kabayan, Benguet.
Saad ni Jemmer, nais lamang niyang ibahagi ang biyaya na kaniyang natatanggap sa buhay sa kaniyang mga kababayan, lalo na ngayon na mayroong krisis na kinakaharap ang ating bansa. Kahit pa man din siya ay mahirap lamang at siya ay nagtatrabaho bilang sailor at magsasaka, nais pa din niyang makapagbigay ng tulong para sa mga mahihirap na kababayan at nangangailangan, kahit sa simpleng paraan lamang.
Kahit pa man maliit na bagay lamang ang kaniyang ibibigay na tulong, tiyak na ito ay magbibigay ng ngiti at tuwa sa mga nangangailangan.
Basahin sa ibaba ang buong post ni Jemmer:
"Sharing a P50,000.00 to my Hometown
"Kabayan Barrio, Kabayan, Benguet
"I'm not rich and don't have so much things in life. I'm only a Sailor and a Farmer too. We are all affected by this crisis, share whatever little things we have.
"This is only small amount but I hope it would bring big smiles for those in needs.
"Pray and stay at home."
Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang pumuri para sa kabutihang ipinakita ni Jemmer sa kaniyang mga kababayan. Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Wow...sir, i salute you for yr.generosity...sana dumami pa ang tulad nyo.God will rewards you soon."
"A millions of salita for u!!! God bless u more!!!"
"Kudos!!! And God bless a good Samaritan like u sir: donor ..umado pai puli" nga ksla knya u..mabuhay tayong lahat;"
Source: Facebook