Pres. Duterte at ilan pang mga government officials, ido-donate ang kanilang sahod upang ilaan sa paglaban sa COVID-19


Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kamakailan lang, sinabi niya sa publiko na ang donasyon na ipapamahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ay manggagagaling sa kaniyang pang isang buwang sahod upang ilaan sa mga programa na ginagawa ng gobyerno para malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Isa si Pangulong Duterte sa mga government official na handang ipamahagi ang higit sa kalahati ng kanilang sweldo bilang tulong na rin sa ating mga mahihirap na kababayan na nangangailangan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.


Sa ilang ulat na lumabas nito lamang, karamihan sa mga miyembro ng gabinete ng Pangulo ay ibibigay ang 75 na porsyento ng kanilang buwanang sahod na kanila namang ilalaan para malabanan ang naturang virus na patuloy na dumadami sa ating bansa.

Ani Cabinet Secretary Karlo Nograles.

"Nais din nating ipagbigay-alam na ang karamihan, majority, ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte ay boluntaryong ibibigay ang malaking bahagi... 75% ng kanilang buwanang sahod upang ilaan sa mga programa ng gobyerno upang sugpuin ang COVID-19 sa loob ng panahong pinapatupad ang Bayanihan Law."


Samantala, maging si Manila Mayor Isko Moreno ay inanunsyo rin sa publiko kahapon, araw ng Sabado, Abril 4, na ido-donate niya rin ang kaniyang sasahurin sa Philippine General Hospital.

Maging ang bise-alkade at konsehal sa Lungsod ng Maynila ay ido-donate rin ang kanilang sasahurin.
Ani Mayor Isko,

"Ang inyo pong elected officials sa Lungsod ng Maynila - ako po, si Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Flood Leader Joel Chua, at lahat ng City Councilor - idodonate po namin ang aming buong sahod para sa buwan ng Abril sa Philippine General Hospital. Ang lahat ng ito po ay nagkakahalaga ng Php4.7 million. Sa maliit po naming kaparaanan, sana po ay makatulong ito sa pagpapalakas ng kakayanan ng ating mga frontliner sa healthcare sector para labanan ang outbreak ng COVID-19. Manila, God First!"

Source: Citizen Express

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW