Pres. Duterte, binalewala lamang ang trending na hashtag na 'OustDuterte' sa Twitter
April 05, 2020
Sa nagdaang 'Talk to the Nation' ng Pangulong Rodrigo Duterte para magbigay ng update sa mga ginagawa ng pamahalaan para labanan ang COVID-19 na patuloy na dumadami sa bansa, nabanggit rin ng Pangulo ang kaniyang mga kritiko sa social media site na Twitter na nagpapa-trending ng hashtag na 'OutDuterte'.
Ito ay matapos naging kontrobersiyal ang pahayag ng Pangulo tungkol sa mga leftist group na gumagawa pa ng gulo ngayon na mayroong kinakaharap na krisis ang bansa,
Samantala, ang pagpapatrending naman ng naturang hashtag ay binalewala lamang ng Pangulo at sinabi nito na kahit ano pa man ang gawin o sabihin sa kaniya ng kaniyang mga kritiko, hindi pa rin siya matitinag sa banta na ginagawa ng mga ito dahil makikinig lamang siya kung ang mga militar at
pulis na ang magsasabi sa kaniya ng mga bagay na ito.
Pahayag ng Pangulo,
"Ito 'yung 'Oust Duterte', Anak ng p*... You know magprangkahan tayo. Nakikinig ang military pati pulis, pati kayo dito ngayon. 'Pag sinabi ng inyong chief ng Army, Navy, Air Force pati pulis, 'pag sinabi nila, silang apat magpunta dito sabihin nila, "Duterte, bumaba ka na ngayon na kaagad."
"Hindi na 'yang 'Oust, oust Duterte.' Tutla ang naghawak nito ang military, ang pulis. Kung ayaw nila, ang totoo wala talagang mangyari. Kung gusto nila, wala - hindi mo rin mapigilan."
Dagdag pa ng Pangulo na hindi rin siya matitinag kahit pa man mag-riot ang mga tao, sa social media man o sa personal, dahil saka lamang siya bababa sa posisyon kung sakali man na nais na siyang pababain ng mga militar at pulis.
Pagpapatuloy ng pangulo,
"It's always the military ang the police. Kaya para sa akin 'pag sinabi ng military, pulis, "Duterte, hindi mo kaya itong trabaho na ito. Bumaba ka na lang." Sabi ko nga sa kanila, huwag na kayong magdala ng mga tangke siyan sa harap ko. Ang kalaban ninyo ito, puro mga mistah ng mga - puro
ng... Bakit - bakit pa ako magpayag na magbarilan tayo?"
Saad pa ng Pangulo,
"Huwag na 'yang 'Oust Duterte' na mga fake news. Doon kayo magtutok sa pulis pati Armed Forces. 'Pag sila ang nagsabi, 'yun na 'yon. Iyon na 'yon. Pero kung kayo lang, tapos you agitate people to revolt, tapos mag-riot-riot, masaktan lang kayo.
"Kaya 'pag ginawa ninyo 'yan, alam na ninyo ngayon. 'Pag ang pulis nag-aresto sa inyo, your responsibility is to submit. Kailangan magsabi ka, "O ano sir, bakit?" "O inaaresto ka." "Oo, sir."
"Istasyon ka." "Yes, sir." Huwag kang lumaban. "Hindi, hindi ako pwede."
Source: Citizen Express