PWD dad, tinuruan ang anak na maging kontento sa mga natatanggap “Our Food is Enough, Leave Some for Other People”


Sa kabila ng krisis na kinakaharap ng buong mundo ngayon dahil sa banta na dala ng C0VID-19, mayroon at mayroon tayong matatagpuan o makikita na isang bagay na talaga namang magsisilbing inspirasyon para sa atin na gumawa ng kabutihan sa kapwa at magpatuloy lamang upang malabanan ang C0VID-19.

Katulad na lamang ng ginawa ng mag-ama na ito kung saan ito ay nag-iwan ng malaking marka para sa puso ng maraming netizens.

Kahit pa man hirap sa buhay at walang tirahan ang mag-ama na ito, mas pinili pa din nilang magbigay ng tulong para sa kanilang kapwa kahit isa din sila sa mga nangangailangan ng tulong.


Ang mag-ama na ito ay natagpuan ng grupo ng mga Good Samaritan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakita umano nina Muhammad Adzim Bin Abdul Azaiz at ang kaniyang mga kaibigan ang isang habang tulak tulak nito ang wheelchair kung saan nakasakay ang kaniyang ama sa kabahaan ng highway sa naturang lugar nang sila ay nag-iikot ikot sa lugar upang maghanap ng mga tao na wala ng matirhan at mga mahihirap na nangangailangan ng tulong. Sila din ang siyang nagbibigay ng pagkain at tubig para sa mga taong nangangailangan nito.

Ayon kay Azaiz, nagsimula ang programa nilang ito na magkakaibigan sa pamamahagi ng kaunting pera at 20 na tubig at pagkain sa mga mahihirap sa Kuala Lumpur. Ngunit, ilan pa sa kaniyang mga kaibigan at ilang mga netizens ang nagbahagi din ng tulong matapos malaman ang kanilang programa at doon ay nagsimula na silang magbigay ng 200 na packs na pagkain o higit pa kada araw.

Nang sila naman ay muling naglalakad upang maghanap ng mga nangangailangan ng tulong sa nasabing syudad, natagpuan naman nila ang isang lalaki at ang ama nito na binabaybay ang highway ng syudad. Matapos makita ang mag-ama, kaagad naman nilapitan ito ng grupo at tinanong kung kailangan ba nila ng pagkain. Nang mapag-alaman na nangangailangan ang mag-ama ng pagkain, kaagad nilang binigyan ang mag-ama ng dalawang packs na pagkain at dalawang piraso ng bote ng tubig.


Matapos matanggap ang pagkain na binigay ng grupo, ang bata naman ay tinanong ang kaniyang PWD na ama kung ang dalawang packs ba na pagkain ay sapat na sa kanila dahil alam din nito na wala silang ganoong pagkain sa kanilang bahay.

Ani ng tatay sa kaniyang anak,

“Yeah, it’s enough. We have to leave some for others as there are still many other people who haven’t gotten it yet.”

Ang bata naman ay nagtago kaagad sa likod ng kaniyang ama dahil tila nahihiya ito dahil sa nais niya pang manghingi ng pagkain. Gayunpaman, nasa isip lamang siguro ng bata na wala silang sapat na pagkain sa kanilang tirahan na kakasya sa kanilang mag-ama kaya naman naisip niya na manghingi pa.

Matapos makausap ang mag-ama, napaisip at nagtaka naman ang grupo kung bakit nais pang manghingi ng batang lalaki ng pagkain kaya naman napagpasyahan nilang hanapin ang mag-ama. At doon ay nadiskubre nila na sa kalye na lamang nakatira ang mag-ama at tanging tulugan lamang nila ay sa likod ng ilang pamilihan sa syudad.


Napag-alaman din ng grupo na ang tatay ng bata ay hindi na nakakapaglakad dahil nabali ang binti nito sa isang aksidente na nangyari sampung taon na ang nakakalipas. Ang metal rod naman na nasa kaniyang mga binti ay nabali at naalis na naging sanhi para siya ay hindi makalakad o makatayo man lang ng sarili lamang niya.

Naantig naman ang damdamin ng grupo sa mag-ama at naawa din ang mga ito para sa kalagayan ngayon ng mag-ama, kaya naman nagbigay ng donasyon ang grupo para sa mag-ama at naghahanap na din sila ng mga tao na makakatulong na mapaalis ang mag-ama sa kalye at mabigyan ng maaaring tirhan, kasama ang sapat na pagkain para sa mag-ama na hindi na nila iintindihin ang maaari nilang kainin sa mga susunod na araw.

Source: Twitter

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW