Queen of Philippine Noontime TV Leila Benitez, pumanaw na dahil sa COVID-19


Nitong Huwebes lamang ng umaga, Abril 9, inanunsyo ang nakakalungkot na balita na pumanaw na nga ang dating 'Queen of the Philippine Noontime TV' na si Leila Benitez-McCollum sa New York City dahil sa mga kumplikasyon na naramdaman nito bunsod ng pagkakaroon ng coronavirus disease (COVID-19).

Ang balita naman na ito ay kinumpirma ng pamangkin ni Leila na si Vivian Talambiras-Curz. Saad nito sa naging panayam sa kaniya ng CNN:


"She died peacefully at Mt. Sinai Hospital in Manhattan and didn't have to suffer like other COVID-19 patients.



"She was tested positive of the virus shortly after being moved to the hospital from a rehabilitation clinic."

Nagsimulang maging kilala si Leila sa industriya ng showbiz nang siya ay maging isa sa mga host ng talent show ng ABS-CBN na 'Student Canteen' noong dekada '60s. Higit dalawang dekada ding namayagpag si Leila sa telebisyon. Siya din ay tinagurian noon bilang 'Oprah ng Pinas' at 'First Lady of Philippine Television'.

Bukod pa diyan, nakasama na din ni Leila ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz industry na sina Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, at Pepe Pimentel sa pagiging host ng radio show sa SZXL na CBN Canteen.


Nagtuloy-tuloy din ang kasikatan ni Leila noon matapos maging hit ang kaniyang programa sa ABS-CBN na 'Student Canteen' na para naman sa mga estudyante. Ito ay nagsimula noong 1958.

Samantala, tumagal din ang programa niyang ito ng mahigit 15 taon. Ito ay natapos lamang simula nang magdeklara ng Martial Law ang dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972.

Nakatanggap na din ng ilang parangal si Leila dahil sa galing nito sa pagho-host ng ilang programa, mapa-telebisyon man o sa radyo. Taong 2015 nga lamang ay nakatanggap siyang muli ng parangal na “Empowerment Award for Radio and Television” na iginawad naman sa kaniya ng Fiesta in America.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW