Renato Reyes, pinagtanggol ang mga nag-rally sa Quezon City kahit pa man mayroong sinuway ang mga ito na quarantine protocols
April 07, 2020
Noong nakaraang linggo lamang, naging viral sa social media ang video clip kung saan makikita na nagra-rally ang ibang mga residente ng Quezon City kahit pa man nakasailalim na ang lungsod sa enhanced community quarantine (ECQ).
Kaagad naman gumawa ng aksyon ang mga awtoridad dito, mabilis naman nilang pinaghuhuli ang mga residenteng nagra-rally dahil sa kanilang paglabag sa quarantine protocols.
Nagbigay naman ng pahayag ang opisyal ng Quezon City tungkol sa balitang pagra-rally ng mga resident. Inakusahan nito ang mga leftist group na KADAMAY na siyang umano nagsimula at nagsulsol sa mga residente na magsagawa ng rally sa lugar.
Samantala, ito ay mariin namang tinanggi ng KADAMAY. Sa pahayag naman ng leftist activist na si Renato Reyes Jr., dapat daw ay hindi na hinuli o pagmultahin ng mga awtoridad ang mga residente na nag-rally dahil nakakaawa rin ang kalagayan ng mga ito na wala ng makain ngayon dahil hindi naman sila nakakatanggap ng kahit anong ayuda o food supplies mula sa kanilang lokal na pamahalaan.
Aniya,
"The 21 San Roque residents who were arrested for protesting lack of food face multiple charges and must pay up to Php15,000 EACH for bail according to their lawyer. Wala na nga silang makain, pagbabayarin pa ng Php15,000 each. Walang awa sa mahihirap. #TulongHindiKulong."
Sa kabilang banda, nagbigay naman ng babala si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga leftist group na patuloy ang pagsuway at paggawa ng umalya kahit pa man umiiral ang ECQ sa bansa.
Ani ng Pangulo,
"Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na 'yung pambabastos ninyo 'yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo 'yan? Hindi kayo nasa gobyerno ang you cannot be a part of wha we are planning to do for the nation.
"Intindihin ninyo 'yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.
"Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh 'di sige. Gusto ninyo ng pukpukan,s ige. I will not hesitate. My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumabas at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh 'di ilibing ko na kayo. Ah 'yung libing, akin 'yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil."
Source: Citizen Express